Nang makasakay si Sabrina sa sasakyan ni Marie ay agad namang nagmaneho ang kaniyang kaibigan. Nagtungo sila sa isang presinto at doon ay ni report nila ang ginawa ni Dante kay Sab. Agad naman na ginawan ng aksyon nang mga pulis si Dante at pinuntahan sa kanilang bahay. "Sab, are you okay? Nasaktan ka ba?" sunod-sunod na tanong ng kaniyang Ama at kita sa mukha ang pag-alala nito. "Dad, I'm okay. I'm sorry. I'll promise na hindi ko na po tatakasan ang mga bodyguard ko," paumanhin ni Sab sa kaniyang Ama. "Wala na ang Ina mo, at ikaw na lang ang mayroon ako. Alam ko na nararamdaman mong masyado akong mahigpit. Pero anak, ayoko lang na pati ikaw mawala pa sa akin. Dahil hindi ko na gugustuhin pang mabuhay kung pati ikaw mawawala na rin sa buhay ko," saad ng Ama nito at niyakap si Sab ng m

