Halong kaba at takot ang nararamdaman ni Troy nang makita ang asawa nito na papalayo ang sinasakyan nitong bangka. Ngunit hinayaan na lamang n'ya ito at wala siyang magagawa kung hindi ang magtiwala sa kanyang asawa. Makalipas ang ilang sandali ay nAkarating na si Andrea sa daungan ng bangka. Agad itong bumaba ng bangka at naglakad palayo. Naghanap rin ito ng pinakamalapit na drugstore at doon ay bumili ng prenancy test. "Ma'am, may PT po ba kayo?" tanong ni Andrea sa babaeng nasa drugstore. Tiningnan naman ng babae si Andrea ng kakaiba at sumagot ito. "Yes, Ma'am. Meron po ilang piraso po?" sagot at tanong naman nito kay Andrea. "Bigyan mo na lang ako ng tatlo para sure," sagot ni Andrea na kinakabahan at hindi mapakali. Agad namang kumuha ang babae at iniabot kay Andrea ang tatl

