Naalimpungatan si Andrea nang maramdaman ang mainit na palad na humahaplos sa kaniyang pisngi. "Pasinsya ka na asawa ko kung kararating ko lang, marami kasi kaming inasikaso sa site na pinapatayo ni Kuya," wika ni Troy sa kaniyang asawa. "Okay lang naiintindihan ko naman," wika naman ni Andrea. "Kumàin ka na ba? Paghahanda kita," saad nito at tiningnan sa wall kung anong oras na. "Alas onse na pa la," wika na nito at bumangon sa pagkakahiga. "Hindi na, asawa ko. Kumain na ako. Mabuti pa doon na tayo sa silid para nakatulog ka ng maayos," saad naman ni Troy at inalalayang tumayo ang asawang buntis patungo sa kanilang silid. "Matulog ka na, asawa ko. Mag shower lang ako," saad ni Troy at nagtungo na 'to sa banyo. Nang matapos 'tong mag-shower at nakatapis lamang ito ng tuwalya puti s

