NAKITA rin n'ya na kapikit si Andrea dahil sa itsura nilang dalawa na halos magkadikit ang katawan. Dahil halos maghalikan na sila sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa at napapa ngiti ito. Dahil sa kinikilig 'to na hindi maintindihan. Nakakaramdam rin ang binata ng kaba sa dibdib nito. At hindi mawari hanggang sa napasulyap ito sa labi ng dalaga na mapupula at kay sarap angkinin. Biglang napaatras ang binata dahil naramdaman nito na lumuluwag ang pagkakahigpit ng tuwalya na nakatapis sa kanya. Nang biglang dumilat ang mata ni Andrea. Kaya natataranta si Troy dahil hindi pa n'ya nahigpitan ng maayos ang tuwalya na nakatapis sa kanya. Kaya muling lumapit ang binata ng bahagyan kay Andrea at nakita nito na nakatingin ang dalaga sa ibabang parte ng katawan ng binata. Tinakpan agad

