NAKAUPO na ng maayos sila Andrea at Richard sa ibabang parte ng upuan sa sinehan. Habang sila Amanda at Troy naman ay na nasa taas na parte naka upo. At nasa taas nila Andrea lamang. Nang mapansin ni Troy na hindi mapakali si Richard at inilalagay ang kanang kamay nya sa balikat ni Andrea. "Aba! Mukhang may binabalak ka, ah. Hokage move's kapang nalalaman. Sige tingnan natin," wika ni Troy sa kanyang isipan at nakita nito ang juice na nasa kanyang tabi, kaya may naisip ito. Agad n'yang hinawakan ang juice na nakalagay sa cup at mabilisang ibinuhos ito sa balikat ni Richard. Bigla nagulat at napatayo si Richard ng maramadaman ang malamig na bagay sa kanyang balikat. Galit rin 'tong tumayo at sinabing, "Ano bang problema mo Mr. Montenegro?" pabulyaw at kuno't noong wika nito. Tinin

