Matapos silang bumili ng mga kasuotan ng bata ay panandalian silang dumaan sa Watson upang bumili rin ng oil, bulak, diaper ng bata at syempre diaper din ni Andrea na kakailanganin sa kaniyang panganganak. Bumili rin sila ng napkin, alcohol at kung ano-ano pa. Hanggang sa mapadaan sila sa bilihan ng mga laruan ng bata. Agad naman pumasok si Troy dahil may nakita itong laruan ng bata. "Ano ba 'yang dala-dala mo, Troy? Bakit naman pati laruan bumili ka agad? Nasa loob pa lang ng tiyan ko ang anak natin. ini-spoiled mo na," saad ni Andrea sa kaniyang asawa. "Babe, hayaan mo na ako para kapag lumabas na siya at marunong maglakad. Maglalaro kaming dalawa," nakangiting wika naman ni Troy. "Saka gusto ko lahat maibigay ko sa kaniya at kapag marunong na rin siyang kumain, bibilhan ko siya ng

