CHAPTER THIRTY FIVE Neu Spencer “HE seemed nice person, Neu,” Newt started through the phone. Nag-ring ang telepono ko paglabas ko ng cottage para dumiretso sa pavilion kung saan nagkakatuwaan ang mga bisita ko. Dinig na dinig ko ang pagkanta ng isang babae sa videoke mula sa kinatatayuan ko. Mahigit treinta minutos na rin ang nakalipas mula noong magsimula ang kasiyahan ng mga nasa pavilion. Tiyak na pagpunta ko roon pagkatapos ng tawag na ‘to, it was a mess. Palakad-lakad lang ako sa harap ng cottage na tinutulugan namin si Siam habang pinapakinggan ko ang talumpati ng nakatatandang kapatid ko. Ayoko naman maging bastos at bigla na lang i-end ang tawag para lang maka-bonding mga bisita ko sa pavilion. “And he’s pretty funny like what you said before. Iba siya sa mga nakilala

