CHAPTER THIRTY SEVEN Neu Spencer NASA loob pa rin ako ng van pero pauwi na. Naihatid na rin namin kasi lahat ng teachers sa school at naabutan na namin ang mga kanya-kanyang sundo nila. Umayos ako ng upo, pero iyon naman ang pagtunog ng cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang nag-message sa akin. From Newt: Where are you? Kaagad kong in-unlock ang cellphone ko para reply-an si Newt. Ayaw pa naman kasi no’n nang hindi sinasagot. To Newt: Sa puso niya ayieee Pagak na natawa ako nang mabasa ang reply niya. Kahit na hindi ko siya kaharap, dama at dinig na dinig ko ang malutong na pagmura niya. From Newt: Pootacca, Neu. ‘Wag ka nang umuwi, gago ka. Kinakausap ka nang maayos. To Newt: HAHA! Pauwi na ako. Bakit ba? Lumipas ang limang minuto, wala

