Kabanata5

1815 Words
Everlie's Pov Alam ko naman na mayaman ang pamilya ni Garii, pero di ko pa rin maiwasang di humanga. Ngayon lang kasi ako nakapasok sa ganito kalaking mansion. "Okey ka lang ba?" Tanong nito sakin habang binabaybay namin ang lobby ng mansion nila. "Kapag ba kinasal na tayo, dito na din aki titira?" Tanong ko dito habang busy ang mata ko sa pag tingin sa paligid. "Hindi, ayukong masilip ni dad and mom ang bawat galaw natin. I have my own house, pero hindi naman yun kalayuan dito." Napatango nalang ako sa sinabi nya. Mas pabor naman yun sakin. Alam nyo naman, mahirap na ang makisama sa in laws, yun ang kadalasan kong naririnig sa mga may asawa na. "Hon, nandito na sila!" Boses ng isang babae. Ilang sandali pa ay sinalubong na kami ng mom and dad ni Garri. "Good evening po, Tito and tita." Nahihiyang bati ko sa mag asawa. Lumapit ako sa mga ito para mag mano. "Tama nga ang sinabi sakin ni Rizza, napakaganda mo iha." Wika ng ama nito. "S-salamat po." Nauutal na sagot ko dito. Hindi talaga ako sanay na sinasabihang maganda. Siguro dahil lang sa ayos ko kaya nag muka akong maganda. "Tara na at nag hihintay na ang ating mga bisita." Nakangiting wika ng mom ni Garri at lumingkis na ito sa braso ko. "Teka mom, anong bisita?" Pag tataka ni Garri. "Yang mommy mo kasi, tinawagan na ang mga relatives natin about dito. Excited na ipaalam na may girlfriend kana." Sagot ng dad nito. "Mom Naman!" Inis na wika ni Garri. "Let's go na iha, ipapakilala kita sa mga soon to be Tito and Tita mo." Wika nito at hinila na ako nito palayo kay Garri. Nilingon ko si Garri, mukang nag aalala ito kaya nginitian ko to para iparating sa kanya na okey lang ako. Nakarating kami sa garden na may swimming pool sa gitna. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil sa mga taong nakatingin samin. "Everyone, Attention please!" Nakangiting wika ng mom ni Garri. Lumapit si Garri sa gilid ko, nagulat naman ako ng pinag dikit nito ang kamay namin. Ito ang unang beses na mag ka holding hands kami. Pakiramdam ko tuloy sobrang init, kahit ang totoo naman at malakas ang ihip ng hangin. "Sorry kung biglaan itong family dinner natin. Sobrang saya lang kasi namin ni Gabriel dahil sa wakas ay may girlfriend na itong anak naming si Garri." Wika ni tita Rizza. "Sorry po kung inilihim ko ang tungkol sa relasyon namin ng girlfriend ko. Family, I want to introduce to all of you, my very beautiful girlfriend Everlie Laine Castro." Pakilala ni Garri sakin. "Hello po, kinagagalak ko pong makita kayong lahat." Nahihiyang wika ko sa harap nilang lahat. Isa isang lumapit ang mga ito sakin at nakipag kilala. Hindi ko akalain na ganito kainit ang pag welcome nila sakin. Kadalasan kasi ng mga napapanuod ko sa drama, once na mayaman ang lalaki papahirapan or hindi tatangapin ang girlfriend nito. After kong makilala ang mga tito at tita ni Garri nag simula na kaming kumain sa iisang table. "Iha, paano ba kayo nag kakilala ni Garri?" Tanong ni tito Erick. "Sa bar, medyo nakakahiya po pero broken hearted po kasi ako that night. " Sagot ko dito. Totoo naman na yun ang unang pag kikita namin. "Kaya naman pala kahit anong pilit namin na ireto itong si Garri, palagi kaming tinatangihan. Yun naman pala ay may natitipuhan na ito." Wika naman ni tita Flor. "Kailan ba kayo nag kakilala iha?" Tanong naman ng ama ni Garri. "Nung nakaraang taon dad." Si Garri na ang sumagot. "Matagal na din pala, pero bakit tinago mo ang tungkol dito?" Muling wika ng daddy nya. "Hindi kasi alam ni Everlie ang tungkol sa totoong pag katao ko. Natatakot akong layuan nya ako kapag nalaman nya na anak ako ng isang Gabriel Clinton." Sagot muli ni Garri. "So kelan nyo balak mag pakasal?" Tanong ng kuya nito na si Gabby. "Huwag na muna natin yan pag usapan. Ayukong ma pressure si Everlie." Sagot nito sabay hawak nanaman sa kamay ko. "Sabagay, bago palang din naman ang relasyon nyo. Baka mag bago pa ang pakikitungo nyo sa iba." Sagot ng asawa ng kuya nito. "Don't worry ate Lesley, wala akong balak na bitawan si Everlie. I'm so lucky to have her, safe na ang lahi ko sa kanya. Mabibigyan namin ng gwapo at magandang apo sila mom and dad." Nakangiting wika ni Garri kaya napatingin ako dito. Ano bang pinag sasabi nya na apo? Gag* ba sya? Wala sa usapan namin yung apo. No bed scene nga diba? "Hahah, kaya kailangan mong bakuran mabuti itong si Everlie. Siguradong maraming bubuyog na aaligid dyan. Kaya mag madali kana iho." Wika naman ni tita Helen. "Don't worry tita, idadaan po natin yan sa hilot." Pabirong sagot ni Garri. Hindi na ako makaimik dahil sa pinag uusapan nila. Hindi ako ready sa ganyang topic, hindi ako naka pag review tungkol dyan. "Okey ka lang ba?" Bulong nito sakin. Tumango ako ng bagya dito. "So Everlie, tell us about your family? Anong business ng family mo?" Tanong ni Kuya Gabby. "About my parents-" "They have a hotel and resort in Batangas." Wika ni Garri ng putulin nito ang pag sasalita ko. Tiningnan ko si Garri, humigpit ang pag hawak nito sa kamay ko. Another lies nanaman. "You have to take us there iha, para makapag relax naman kami minsan." Wika ni Tita Rizza. "That's a good idea hon. Para makilala din natin ng personal ang magulang ni Everlie." Wika ni tito Gabriel. Mukang malaking problema itong pinaplano nila. Bakit kasi yun pa ange naisip ni Garri. Bakit hindi nya nalang akong hinayaang mag salita. "Hindi na kami mag tataka kung bakit nagustuhan ka ni Garri. Nag mula ka din naman pala sa mayamang pamilya iha." Wika ni tito Erick. Ngumiti nalang ako dito. Requirements ba talaga ang pagiging mayaman? Kung sinabi ko ba na mahirap lang ako end game na agad kami ni Garri? Paano na ang 1.5 million ko? "It's not important kung nang galing sya sa mayaman or mahirap na pamilya. Ang mahalaga maybe girlfriend na ang Garri ko. Bilis bilisan mo lang Garri, dapat mag propose kana kay Everlie. Hindj sa nag mamadali pero gusto ko bigyan nyo agad kami ng apo. Kahit ihuli nyo na ang kasal, okey lang samin na mauna ang apo." Wika ni Tita Rizza kaya bigla akong naubo. "Are you alright?" Pag aalalang tanong ni Garri at agad akong inabutan ng tubig. "Hon, take it easy. Baka biglang umatras si Everlie dahil sa gusto mong mangyare. Hayaan nalang muna natin na mag enjoy yung dalawa. Huwag natin sila pangunahan sa relasyon nila." Wika nito tito Gabriel. "Thanks dad! Huwag po kayong mag alala, darating din kami ni Everlie, Diba babe?" Nakangiting wika ni Garri sabay halik nito sa kamay ko. Hindi ako nakasagot agad dahil nakatitig ako dito. "O-oo babe." Nauutal pang sagot ko. "What a lovely couple, naalala ko tuloy nung kabataan natin daddy. Ganyan na ganyan tayo!" Kinikilig na wika ni tita Flor. Nagugulat ako sa mga pinapakita ni Garri sakin, alam ko naman na pag papangap lang ito. Pero iba ang dating nito sakin, parang gusto kong kiligin pero mali yun. Hindi ako pwedeng mag karoon ng kahit konteng pag tingin sa kanya. Isa lamang itong pag papangap kaya hindi ko sya pwedeng mahalin. - After ng dinner namin, umuwi na ang mga bisita nila Garri kaya kami nalang ang naiwan nito. "We are so happy because we finally met you. You don't know how happy I am today, thank you iha dahil dumating ka sa buhay ng anak namin." Wika ni tita Rizza habang hawak hawak ang dalawang kamay ko. Bigla naman akong na konsensya sa pag papangap namin ni Garri. What if pag nalaman nyang nag sisinungaling lang kami. Sigurado akong masasaktan ito at magagalit. Wala akong magawa kundi ang mag sorry nalang sa isip ko. Hindi ko naman kasi nature ang mag sinungaling sa ibang tao. "Thank you din po sa mainit na pag tangap sakin. Huwag po kayong mag alala, hindi ko po sasaktan si Garri." Nakangiting sagot ko dito. "Salamat iha, mapapalagay na ang loob ko ngayon dahil nandyan kana." Muling wika nito at niyakap ako. - Nag paalam na kami sa parents ni Garri. Pag sakay namin sa kotse nito parehas lang kaming tahimik. "Thank you because you make my parents happy." Wika ni Garri habang nag mamaneho. "Ganito pala yung feeling na may niloloko kang tao, ang hirap sa dibdib. " Sagot ko dito kaya napatingin sya sakin. "Sorry Everlie, nadamay ka pa sa problema ko." "No, ginusto ko naman to kaya wala kang kasalanan. Napaisip lang kasi ako, kung ganito pala yung feeling na manloko ng tao, bakit parang masaya pa yung ex ko na lokohin ako. Ganun na ba sya kasama?" Sagot ko kay Garri sabay tingin sa labas. "Hindi ko alam kung bakit nagawa pa ng ex mo na mag hanap ng iba. Hindi nya alam kung ano ang sinayang nya." Wika ni Garri kaya napalingon ako dito. Nahuli ko itong nakatingin sakin pero agad ding tumingin sa daan. "Mabuti ka pa na appreciate mo ang tulad ko. Pero nasasabi mo lang Yan dahil nag papangap tayo. Hindi mo pa talaga alam kung sino ako, kung anong ugali ang meron ako." Sagot ko dito. "I'm willing to know who you really are, I will never judge you no matter what happens." Seryosong sagot nito kaya napangiti ako. Alam ko naman na hindi mangyayare yun. Darating ang araw na iiwan nya din ako pag natapos na ang contract namin. "Huwag mo ng alamin Garri, baka ma Inlove ka pa sakin." Pabirong wika ni dito. "Hahaha, sa tingin mo ba mangyayare yun? Kung sa tingin mo ma iinlove ako sayo ng ganun kabilis lang nag kakamali ka. I'm not easy to fall in love." Natatawang wika nito kaya napangiti nalang din ako. "Kaya ba sa edad mong yan ay single ka pa din? Siguro napaka taas ng standard mo sa ibang babae. Sabagay, ikaw ba naman ang maging the most handsome billionaire in the world, hindi mo na kailangan pang mag pakahirap para sa isang babae dahil sigurado akong babae na ang pumipila sayo." "Tumpak! Matalino ka din pala nuh." Wika nito kaya mas lalo akong napangiti. "Pero kung ikaw ang tatanungin ko Garri, ano bang gusto mo sa isang babae?" Seryosong tanong ko dito. "Hindi ko alam Everlie, malalaman ko siguro yun kapag may naramdaman na ako sa isang tao." Sagot nito habang patuloy lang sa pag mamaneho. Sigurado naman ako na wala sa akin ang hinahanap nya sa isang babae. Hindi nya naman ako kukunin na maging fake wife nya diba kung nasa akin yung hinahanap nya. Mas mapapadali ang pag papangap namin kung wala kaming personal na nararamdaman sa isat isa. Mas mapapabilis ang pag hihiwalay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD