Everlie's Pov "Ano nga pala yung pag uusapan natin?" Tanong ko kay Garri habang nag lalakad lakad kami. Sa totoo lang mas gusto ko pang kasama si Paula and Yvette kesa sa lalaking to. Feeling ko kasi pinag papawisan pati singit ko sa kanya. "Wala naman, sinabi ko lang yun para makasama kita. Gusto ko kasi na mag kapalagayan pa tayo ng loob. Hindi mag tatagal at titira na tayo sa iisang bahay. Ayukong mag karoon ng gap between us." Wika nito sabay ngiti sakin. May point din naman itong si Garri, kunge mag kakailangan kaming dalawa, baka mapansin pa ng parents nya. "About sa pinag uusapan nyo kanina, tungkol ba yun kay Cleo and Mariel?" Tanong nito na ikinagulat ko. Siguro may alam din si Garri about sa kanila. Sila ang madalas na mag kakasama kaya siguradong may alam ito. "Ah eh, o

