Pagod na pagod ako sa nangyari. Hindi lang sa pagtakas kundi sa mga senaryo na palagi na lang akong ginugulo. Alam kong inampon lang ako. Alam ko ang lahat ng totoo pero hindi ko mawari kung bakit kakaunti lang ang alaala ko no'ng bata ako.
Tinanggal ko ang suot na mask at nagdire-diretso lang sa pagpasok sa loob ng malaking bahay. Maingay ang babaeng kapatid ko habang nakasunod sa akin at aminado akong naiirita ako sa presensya n’ya. Araw-araw na lang ay ganito ang eksena naming dalawa.
Ayaw n'ya sa akin. Ilang beses pa nga n'yang pinapaulit-ulit iyon pero hindi ko maintindihan kung bakit panay ang lapit at pagpansin n'ya sa akin. Hindi ko nga rin gustong makita si Mia pero s'ya ay... Ewan ko na lang talaga sa kan'ya.
“Gosh, Zaria! Kapag kinakausap ka ay matuto ka namang sumagot,” aniya pang ipinagbuntong hininga ko na lang.
Marami pa s’yang naging kuda hanggang sa marating namin ang second floor kung saan naroon ang pangalawang living room na madalas tambayan ng aming ama. Maaliwalas din kasi rito dahil puwedeng buksan ang malaking salaming dingding na talagang pinasadya pa nila. Marami ring puno sa labas na nakakadagdag kapag gustong mag-relax.
“Where have you been, Zaria?” Sandali akong naestatwa nang marinig ang malalim at maawtoridad na boses ni Daddy o Mr. Villin dahil ayaw n'yang tinatawag ko s'ya sa gano'ng pangalan.
Narinig ko ang nakakairitang pagtawa ni Uziel dahil mukhang sa boses pa lang ng ginoo ay alam na n’yang may ginawa akong hindi tama. Which is hindi ko alam kung bakit ganoon din ang aking naramdaman.
“Dad,” medyo kabado kong usal.
“Hoy! Huwag mo ngang tawaging Dad ang Daddy ko. Ampon ka lang naman!” Sa ilan pang pagkakataon, ay si Uziel na naman ang bumira kahit hindi naman s’ya ang gusto kong makausap.
Palagi na lang talagang epal ang babaeng ito. Alam ko naman ang totoo. Hindi naman n’ya kailangang ipamukha araw-araw at tuwing kakausapin ako ng Daddy n’ya. Una palang ay sinabi na sa akin ng mag-asawang Villin. Kung hindi ay baka mabaliw ako sa kakaisip kung bakit ganito ang trato nila sa akin. Daig ko pa ang strangers sa mga 'to.
Hindi lang ako outcast sa school namin. Mas malala pa nga ang pinaparamdam sa akin ng mga taong nandito. Ultimo maids at mga guards ay walang pinagkaiba. Hindi naman ako nagalit sa kanila. Medyo nagdadamdam pero hindi ako gumawa ng paraan para mas lalo nila akong kamuhian.
“Galing po akong mission,” tumikhim ako nang muntik ko nang masabi ang DAD. “Wala naman pong naging problema kaya nakauwi rin po ako agad.”
Napalingon sa akin si Mr. Villin at pinagtaasan ako ng kilay. Mas lalong kumabog ang dibdib ko dahil hindi ganito ang inaasahan kong reaction n’ya. Sa kan’ya rin naman nanggaling ang mission ko. Bakit ganito s’ya kung makatingin ngayon.
“Saan mo naman nakuha ‘yan, Zaria? Sa pagkakaalala ko ay may training ka ngayon.”
“Po?!” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Ano ba’ng nangyayari? Kahit ipakita ko pa sa kan’ya ang email na natanggap ko para lang mapatunayan na hindi naman ako kikilos kung wala akong natanggap na mensahe.
“Wala akong ibinibigay sa ‘yo,” may diin ang bawat salita n’ya at tumayo na s’ya. May bahid ng inis at iritasyon ang kan’yang mukha.
“Pero…” Napaangat ang tingin ko sa ginoo. s**t! Nagalit ko pa yata si Mr. Villin.
“Camila, hindi ba sinabi ko sa ‘yong hindi ko aaprubahan ang mission na inatas mo kay Zaria?”
Lumagpas sa akin ang tingin ni Mr. Villin at napasunod naman ako. Pababa na ng hagdan mula sa ikatlong palapag si Camila Villin. My foster mother who also hated me so damn much. Parehas sila ng anak n’yang prente nang nakaupo sa isa sa mga sofa. Pinapanood lang ang nangyayari. Masaya dahil muli na namang nag-init ang ulo sa akin ang kan'yang ama.
“Oh, right. Hindi ko napansin na nai-send ko pa pala sa babaeng ‘yan. Anyway Hon, do you want to eat outside?”
Napakunot ang noo ko. Gano’n-gano’n na lang ba ‘yon? Matapos ang lahat ng ginawa kong hindi naman pala inaprubahan ay iibahin na lang ang usapan? Tang-ina! Hindi ko talaga maintindihan ang pamilyang ‘to. That mission is important to me. Hindi naman iyon basta-basta lang at hindi rin naman simple para pagmukhain akong tanga ngayon.
“Oh my God! Oo nga, Daddy, let’s eat outside?” Napatayo si Uziel at nilambitin ang mga braso sa braso ng kan’yang ama.
Bigla na naman akong nawalan ng presens'ya. Hindi ko na nga maikumpara sa hangin ang aking sarili dahil bukod sa hindi na nga nila ako nakikita ay hindi pa nararamdaman.
Hindi ko naman ginusto ang mapunta sa kanila.
“Hay naku, Eliam, kanina pa ‘yan nangungulit. Pagbigyan mo na at gusto rin ng kuya n’ya na magpalipas ng oras sa labas.”
Matapos magsalita ay lumabas sa kung saan ang panganay na anak ng Villin. Si Colter Zyanir na kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang ugali. Lalo na ang pagiging clingy nito sa akin na hirap na hirap akong alisin.
“Mag-uusap ulit tayo bukas, Zaria. Pumasok ka na sa kuwarto mo.” Tinapos na ng Ginoo ang pakikipag-usap sa akin.
Tumango na lamang ako at nagsimula nang maglakad patungo sa pinakahuling palapag ng malaking bahay. Nadaanan ko pa ang panganay pero hindi ko na s’ya pinansin kahit kinalabit n’ya ako. Halos sampung taon akong nagtiis sa ganitong sistema.
“May bagong bukas na steak house sa De Pablo Mall, Dad! Nakakain na kami ro’n ng mga friends ko,” pagbibida ni Uziel.
Hindi na ako nakinig pa sa pag-uusap ng pamilyang iyon. Ayokong mainggit at ayoko na ring mairita sa ingay ni Uziel. Kahit kailan naman ay hindi ko nakasamang kumain ang pamilya. Palagi akong nahuhuli o kung late na dumadating ang mag-asawa ay palagi akong pinapauna. Para lang hindi ako makasabay sa kanila dahil nandidiri ang Ginang sa akin.
Walang nakakaalam na rito ako nakatira maliban kay LG. Hindi pa nga dapat n’ya malalaman kung hindi n’ya lang ako sinundan at napanood pa ang pang-aaway sa akin nina Uziel at Colter.
Napabuntong-hininga ako nang makapasok sa pinakadulong kuwarto sa 4th floor. Ito na siguro ang pinakasimpleng kuwarto sa buong mansion. Katamtaman lang ang lawak para sa sarili ko at para sa mga gamit na hindi naman gaanong pinagkagastuhan ng Villin.
Nasa gilid ang single bed na hanggang ngayon ay hindi pa rin inaayos ang napilay na paa. Sa gilid ng bintana ay naroon ang hindi kalakihang cabinet na pinaglumaan pa ni Colter. Sa kaliwa ko ay may maliit na bathroom. Wala rin akong study table kaya iyong allowance na naipon ko ay ibinili ko ng maliit na lamesa sa online shop. Hindi rin kasi magkakasya kung iyong gusto kong table sa mall ang bibilhin ko.
Muli akong napabuntong-hininga nang makita ang makakapal na comforter, unan at kumot sa lapag. Sa kakamadaling pumasok kanina ay nakalimutan ko nang mag-ayos ng higaan. Sa lapag ako pansamantalang natutulog hangga’t walang nag-aayos ng kama ko. Ako na lang sana ang gagawa ngunit hindi naman sinasabi ng mga kasambahay kung nasaan ang martilyo at pako.
“Huwag ka nang makulit, Zaria, bawal ka ngang magpukpok dito,” naiiritang hinawi ako ng babaeng maid nang magtanong akong muli.
“Eh, Ate, kailangan ko na nga pong maayos ung higaan ko. Ayaw n’yo naman po kasing sabihin kina Kuya Jerto na ayusin na po, eh.”
“Hay, naku! Umalis ka na nga rito kung hindi ka naman kakain. Nakakairita ang pangungulit mo.”
Napahilot ako ng aking sintido. Hindi sila ganito makipag-usap sa akin kapag nasa paligid ang pamilyang Villin. Kapag ganitong lahat ay sama-samang lumabas at gumala ay nagmumukhang may-ari ng bahay ang mga maids.
“Ano’ng nangyayari rito, Bea?”
Sabay kaming napalingon sa babaeng bagong pasok sa dining area. Malinis ang itsura nito at mukhang kakagaling lang sa salon. Bagong gupit ang buhok at halatang pinaayos ang kurba ng kilay. Mas nagmukha tuloy s’yang mataray dahil nadepina na ang arko rito.
“Ang kulit kasi nitong si Zaria, eh. Aayusin naman kasi ung kama n’ya, hindi pa makapaghintay.”
“Kailan pa ba n’ya sinabing nasira at hanggang ngayon ay hindi pa naaayos?” Tanong pa ni Safrina.
Si Safrina lang ang natatanging tao rito na kinakausap ako ng maayos. S’ya rin ang nag-alaga sa akin simula nang kuhain ako ng pamilyang Villin sa orphanage. Ngayon ko na lang ulit s’ya nakita simula nang padalaw-dalaw na lang s’ya matapos n’ya akong alagaan hanggang sa ikalabing-apat na taong gulang ko.
“No’ng isang buwan pa, Ms. Safrina,” sagot muli ng babaeng maid.
Napataas ang kilay ni Saf. “At hanggang ngayon ay nangungulit pa rin si Zaria?”
Napatungo ang kasambahay nang maramdaman ang inis ni Safrina. Sa kanila lang naman sumusunod ang mga kasambahay dito bukod sa mga amo. Kahit pa nasa pangalan ko ang apelyido ng kanilang mga amo ay hindi na magbabago ang pakikitungo nila sa akin dito.
“Huwag kayong bastos, Bea. Kahit ano pa’ng isipin n’yo ay hindi magbabago na amo n’yo rin ang babaeng ito. Ampon man s’ya o hindi ay wala kayong karapatan na tratuhin s’yang parang mas mababa pa sa’yo. Umalis ka rito at tawagin mo si Jerto. Hindi kayo matutulog hangga’t hindi naaayos ang kama.”
Nakatungong umalis si Bea pero pasimple pa n’ya akong inirapan. Ang tao talaga ay hindi magbabago kahit ano pa ang marinig nito sa iba. Nakikinig lang naman sila at hindi iyon iniintindi. Alam kong bukas, kapag wala na sa paligid si Safrina ay ganoon na ulit ang sistema.
“Salamat, Saf,” ani ko at nginitian ang babae. She's older than me pero mas gusto n'yang tinatawag ko s'ya sa kan'yang palayaw.
“Huwag kang maging mabait sa kanila, Ri. Umalis ako rito sa pag-aakalang aasikasuhin ka nila ng maayos. Sa susunod na mangyayari ito ay lumaban ka. Hindi ka nag-training para gaguhin lang.”
Naiintindihan ko kung bakit n’ya iyon sinabi. Well, kahit pa naman noon na nandito pa si Safrina ay pasimple akong binu-bully. Hinahayaan ko na lang din para walang sakit sa ulo si Mr. Villin.
“Ano nga palang ginagawa mo rito? Kumain sa labas sina Uziel kasama ang parents nila.”
Sumeryoso ang tingin sa akin ni Safrina. Naiangat ko ang mga kilay ko sa kalituhan dahil tila ako ang sinadya ng babae. Hindi ko maintindihan ngunit kinakabahan ako sa way pa lang ng tingin n’ya sa akin.
“What’s wrong, Safrina?”
Hindi pa rin s'ya nagsasalita. Lumapit ako sa kaniya at dahil halos magkasingtangkad lang kami ay hindi ako nahirapang tingnan siya sa kaniyang mga mata. Nalilito rin siya.
"Ano'ng gusto mong sabihin sa akin, Saf?" Muli akong nagsalita.
Ayokong pinaghihintay ako gayong alam ko namang hindi matatapos ang gabi nang hindi niya sasabihin sa akin ang gusto niyang bigkasin. Hindi naman siya nagpunta rito para lang sa wala.
"Binigyan ka ng misyon ni Mr. Villin."
Napaatras ako sa kaniyang sinabi. Safrina is the trusted agent of Mr. Villin. Bukod sa email at sa kanang kamay ng Ginoo ay isa si Safrina sa sinusunod ng lahat.
"Isang mabigat na misyon at makakasama mo ako sa lahat nang iyon."