SHY MARIE MEDROSO
" Talaga ate pumunta ka sa bahay nila Rayven?" Gulat na tanong ni Suho sa'kin. Nai-kwento ko kasi na nanggaling ako sa mansion ng mga Valencia. Paano mausisa sila?
" Oo, tapos na meet ko si tita Denise, ang bait nga nila e."
" Eh si kuya Kinver na meet mo?" Tanong niya, tsk kung alam lang niya na siya ang second na meet ko sa pamilyang Valencia e. Tapos siya pa 'tong ke sama-sama ng ugali.
" Oo." Walang gana kung sagot, ngumiti naman siya.
" Ate ang bait niya diba? alam mo bang nireto kita sa kaniya. Alam ko kasing bagay kayo ni kuya Kinver. Mabait siya at alam kung hindi ka sasaktan nun?" Proud nitong sabi sa'kin. Nirereto ako ng kapatid ko sa lalakeng 'yon. Aba himala tsk.
" At talagang nireto mo ako sa lalakeng 'yon na sa palagay ko na hindi niya alam ang salitang mabait sa panahon na 'to, ang sungit sungit kaya ng lalakeng 'yon dinaig ang matandang menopos sa kasungitan. Haist Suho tigil-tigilan mo ang pakiki-pag usap sa lalakeng 'yon kung pwede, baka mahawaan kanang kasungitan at ka-playboyan nun." Naiiritang sagot ko sa kapatid ko, natatawa lng siya habang pinag-mamasdan akong kulang nalang ay uusok ako sa inis.
" Alam mo ate, kaya nag sungit si kuya Kinver kasi ayaw pala niya sa mga babaeng maingay, hindi naman kasi talk active yun e, kaya panigurado ayaw niya sa mga maiingay. HAHAHA! sige na ate may Assigment kami." Paalam niya sa'kin.
" Hoy! Suho, hindi ka raw pumasok kanina?" Tanong ko natahimik siya at napa-kamot ng ulo.
" At teka lang saan nanggaling ang mga pagkain na 'to, Suho wag mong sabihin na hindi ka pumasok dahil nag hanap kanang paraan para lang dito?" Tanong ko ulit sa kanya.
" Ate sorry na, nahihiya na kasi ako sayo e, palage nalang kami ang iniintindi mo. sorry ate sana hayaan mo akong tumulong sa pamilyang 'to. Ako ang lalake sa pamilyang 'to dapat lang na tumulong ako, naaawa na kasi ako sayo ate e. Palage kana lang nag buwis buhay para lang mabuhay at mapa-kain kami ni Sandy. Isipin muna man yung sarili mo ate. Ayaw mubang mag aral. Diba gusto mong maging doctor?" Sagot ni Suho, Seryosong naka-tingin lang ako sa kanya. Nakikita ko sa dalawang mata ng kapatid ko ang pag-alala sa'kin.
" Syempre gusto kong mag aral pero hindi pwede Suho, paano nalang kayo pag mag aral ako? Paano kayo kakain? wag mo na akong alalahanin pa. Mag focus nalang kayo sa pag aral para maiahon natin sa hirap ang pamilya natin. Kahit na wala na si Daddy, kahit na iniwan na tayo ni mommy at kinalimutan ang responsibilidad niya bilang isang mabuting ina sa'tin, Pwde bang mag aral nalang kayo nila Sandy. Wag niyo akong alalahanin ang atupagin niyo ang pag aaral niyo. Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kayo hahayaang magutom. Sige na gawin muna yung assigment mo. Ikaw Sandy iwan muna yan at ako na ang bahala mag ligpit."
Tuluyan ng pumasok sa loob si Suho at Sandy upang gawin ang kani-kanilang mga assigment. Gusto ko rin mag aral at tuparin ang pangarap ni daddy nung nabubuhay pasya. Pangarap niyang maging isa akong tanyag na manggagamot. Pero paano ko matutupad ang pangarap na 'yon e ang pagkain nga namin sa pang-araw araw ay wala. kinakapos kami ng pangka-buhayan. Haist ang hirap ng buhay namin.
Kung hindi lang namatay si daddy hindi sana kami hahantong sa ganitong buhay? Actually mayaman kami dati. Pero simula ng mamatay ang daddy namin ay paunti-unting nalulugi ang kumpanya namin, wala na kasing ginagawang mabuti si mommy sa mga araw na 'yon kundi ang mag lasing at mag waldas ng pera kaya napa-bayaan ang kumpanya at tuluyang bumagsak. At ang pinag sisihan ko ay hindk ko naisalba ang perang dapat ipapamana sa'ming tatlo, Wala palang kasi akong matinong utak ng mga araw na 'yon. Paano 15 palang ako nun e. At ang malala nun ay nag-laho ng parang bula si mommy. Tsk!
" AKO SI SHY MARIE MEDROSO, KAYA KO ANG PAGSUBOK NA 'TO AT MALALAGPASAN DIN NAMIN ANG IMPERNONG PAG SUBOK NA 'TO, LABAN LANG SHY. AJA!" Sigaw ko bahala na ang kapit bahay namin, minsan lang naman akong mag ingay dito e.
Pagka-tapos iligpit ang pinag-kainan nina Sandy at Suho ay pumasok na ako sa kwarto namin ni Sandy. Maliit lamang ang aming bahay. may tulo-tulo pa pag umuulan.
Dalawa lamang ang kwarto, pero maliit lang. Syempre kailangan na ni Suho mag bukod ng sariling kwarto, malaki na kasi siya at nag bibinata na. Pag pumupunta ang mga kaibigan niya dito ay minsan ay hindi na sila pumapasok sa loob ng kwarto niya, hindi kasi kasya. Ang dami kaya ng barkada ng bulakbol kung kapatid. Pero alam kung matino silang lahat.
Nagpapa-salamat nga ako dahil nakaka-tipid na kami sa pamasahe ni Suho, kasi araw araw hatid sundo siya ng mga kaibigan niya. May sarili na kasing sasakyan ang grupo nila.
" Oh! Anong nangyare sa'yo sandy?" Tanong ko sa kapatid kung si Sandy, Mukha siyang matamlay.
" Patingin nga." Sabi ko at lumapit sa kanya. At hinawakan ang noo niya. Nanlaki ang mata ko dahil sobrang init niya.
" Jusko! Sandy may lagnat ka." Natatarantang sabi ko. Tumayo ako upang kunin ang bag kong naka-sabit sa 'sang pako.
" SUHO!!!" tawag ko kay suho, kailangan kung dalhin ang kapatid ko sa hospital.
Natatarantang Pumasok sa kwarto namin ni Sandy, si Suho. " What happen ate?"Tanong niya.
" Si Sandy may lagnat, kailangan natin siyang dalhin sa hospital." Sagot ko,
" Ate wag na, wala naman tayong pera e, na pam-bayad sa bills." Saway ni sandy.
" Just don't mind, okay. Kaya ng ateng mag-hanap ng pera para lang mai-hospital ka. Suho help me. Buhatin mosya." Sabi ko.
Maagaan lang si Sandy, kaya binuhat nasya ni Suho. Actually kahit 12 palang si Suho ay may malaki nasyang pangangatawan. Ewan kuba yung mga kabataan ngayun kahit 12 to 15 may abs na agad.
Nag hihintay kami ng Taxi, pero parang wala ng dadaan sa mga oras na 'to. Masyado na kasing gabi.
" Ate mukhang wala ng taxi na dadaan." Malungkot na tugon ni Suho. May kung ano siyang tini-tipa sa Cellphone niya.
" Just wait a minute ate." Sabi niya sa'kin. My upuan sa gilid kaya pina-upo niya kami sandali doon.
5minuto ang naka-lipas, at may Puting sasakyan ang tumigil sa harap namin. Isang pamilyar na sasakyan. So si Dylan pala ang tinext ni Suho?
" Ate, come on. let's get inside!" Nag mamadaling sabi ni Suho. wala na akong nagawa pa kung hindi ang pumasok sa loob ng kotse. Isang tabi ko muna ang kataas-taasang pride na 'to ngayun. basta sa mga oras na 'to, i really need him and his car.
Hindi nag tagal ay naka-rating nadin kami finally sa hospital. Kaya ako nag hihintay nalang kasama sina Suho at Dylan. Tahimik lang 'to at halatang antok na antok. At ngayun kulang napansin na naka-pambahay siya. Naka-pajama at naka-sando lng.
Paniguradong galing siya sa tulog, magulo kasi ang buhok niya.
Napa-hilamos ako ng mukha dahil sa kaka-isip ko kung saan ko kukunin ang 20k na 'yon. Isang libo nga sa umaga ay hindi ko makuha. 20k pa kaya na 'yon.
De bale mag hahanapa nalang ako bukas ng bagong trabaho, kahit ano pa 'yan gagawin ko maka-bayad lang sa hospital. Hindi naman daw kasi malala ang lagnat ni Sandy. Pero bakit ang taas ang bills na pwede naming bayaran.
" If you don't mind, pwede naba akong maka-alis. May klase ako bukas e." Paalam ni Dylan.
" Sige kuya Kinver, Salamat kuya. Mag ingat ka." Sabi ni suho, tumango lang si Dylan. Tumingin muna siya sa'kin.
" A-ahh! Salamat." Tipid kung sabi, nagi-guilty kasi ako e. Mabait din pala siya kahit papano.
" Don't mind." Sagot niya at tuluyan nasyang tumalikod.
" Ate wag munang problemahin ang bayarin dito, I will help you para ma-reach natin ang 20 thousand na 'yon. Here kunin muna 'to." Sabi ni Suho, at inibot niya sa'kin ang dalawang libo niya na pambili sana niya ng loptop para sa pag-aaral niya.
" Suho, ano kaba ipon mo 'yan at diba ipang-bili mo 'yan ng loptop? Sige na itabi muna 'yan. Tsaka umuwe kana muna sa Bahay at matulog kana May pasok kapa bukas."
" Ate, saka nalang ako bibili ng loptop. Ang mahalaga ay ang kapakanan ni sandy. sige na kunin muna." Sabi niya, kahit na ayaw ko ay tinanggap kuna.
Niyakap kosya ng mahigpit. Nagpapa-salamat ako dahil nagkaroon ako ng ganitong kabait na kapatid.
" Ang bait mo, Suho. makakaya din natin ang pagsubok na 'to. Pangako mag hahanap ako ng matinong trabaho para mabili mo ang loptop na gusto mo at maka-pag tapos kayo ng pag aaral."
" Mabait kadin naman kasi sa'min ate. Dapat lang na tularan kita kasi mabait ka. Salamat ate kahit na pasaway kami ni sandy, hindi mo parin kami sinusukuan. tsaka ate kahit na mahirap tayo atleast sama-sama tayong tatlo." Sagot ni suho, bago aiya humiwalay sa'kin.
-
-
Kinaumagahan ay maaga akong umalis upang mag hanap ng tarabaho, mabuti at ang kaibigan kung si Rika ang pansamantalang nag babanatay kay Sandy, sa hospital.
Hanggang hospital ay nag lakad lang ako para iwas gastos na, kailingan kung mag tipid para lang maabot ang 20k na 'yon.
Pero tanghali na ay wala parin akong mahanap na matinong trabaho, ano ang buhay meron kami at bakit nagkaka-ganito kami. May kasalanan ba ako sa itaas o may kasalanan ang mga magulang ko? Haist!
Napa-ngiti ako ng may nakakaratula sa may Poste. Sana 'to na talaga. Mabilis kung kinuha ang papel at tinungo ko ang dereksyon ng arrow.
" Saan ba 'yon?" Bulong ko sa sarili ko habang naka-tingin sa kung saan-saan, napa-ngiti ako ng makita kuna ang Bar, Oo bar. Wala akong Choice. Kailangan kunang pera e. Tsaka dancer lng nmn hindi ako magapapa-ano sa mga adik doon sa loob.
Pumasok na ako sa loob, may bouncer nga na sumalubong sa'kin ang lupet.
" Hello po kuyang maskulado, mag hahanap poba kayo nito." Bati at tanong ko sa lalake, at tinuro ko ang nasa papel. Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa. Aba para saan naman 'yon.
" Oo, sige sumama ka sa'kin. Ang sexy mo day." Sabi ng lalake, langya binabae pala siya.
" You mean, Girly ka." Tanong ko habang naka-ngiti.
" Oo, hnd tayo talo, day." Sagot niya, pagka-pasok palang namin ay samu't saring amoy na ang maaamoy mo dito sa loob. May mga nag iinuman din kahit tanghaling tapat. Ibang klase talaga.
" Mga 6pm pa ang sayaw mo kung sakaling pasok ka, pero satingin ko pasok na pasok ang beauty mo sa trabahong 'to." Sabi niya sa'kin.
" Mag-kano ba ang sweldo dito, at ano pala ang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.
" Hmm. Magnolia sa gabi, at sa umaga naman ay Reymart. Ikaw day anong pangalan mo?" Tanong niya din sa'kin.
" Shy Marie Medroso po."
" Oh! Nandto na pala tayo, Mama may bago tayong dancer." Sabi ni Rey, tsaka kuna lang siyang tawaging magnolia pag gabi na haha, diba reymart daw pangalan pag umaga, umaga ngayun e.
" Upo ka Shy." Sabi niya at umupo naman ako sa sofa sa gilid lang. Lumabas ang baklang ang taray ng kilay, luhh baka maldita siya.
" Sa mukha lang 'yan teh, pero hindi ako maldita." Sabi ng bakla. Kaya ngumiti ako sa kanya at ganun din siya.
" Okay tanggap kana, maganda at sexy ka teh. Hmm 6pm ang simula mo, at kailangan prepair ka dahil marami ang customer ngayun gabi. Mga mayayaman na nanggaling pasa ibang bansa. Kembot at giling lang naman ang gagawin kaya madali lang. Tuturuan kalang ni Magnolia dahil base sa pangalan mo mahiyahin kang babae at wala pang karasanasan sa mga ganito. At limang libo ang sweldo sa isang buwan. pag ginalingan mo makaka-tanggap kapa ng pera sa mga customer pag nagustuhan nila ang sayaw mo. Sige na teh pumasok kana sa loob." Mahabang paliwanag niya, hnd ko alam kung kaya kubang sumayaw sa harap ng mga tao, alam kung nakaka-hiya. Pero kakapalan kuna ang mukha ko para magka-pera lang ako.
Apat na buwan 20k, mag advance na kaya ako ng apat na buwan. Para naman hindi na sumakit ang ulo ko.
SHY MARIE, ISA KANG MEDROSO DAPAT KAYANIN MO 'TO.
" Salamat po, pero pwede bang ma advance kuna ang 4months na Sweldo ko. Sorry kailangan kulang talaga e. Please?" Sabi ko ngumiti ang bakla.
" Sige."
" Wahhhh!!! Salamat talaga." Dahil sa saya ay napa-yakap ako sa bakla. Bakla muna hindi ko alam ang pangalan niya.
" Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko.
" Malu, mama Malu nalang ang tawag mo sa'kin." naka-ngiting sabi niya.
Pumasok na ako sa Dressing room, at tinuruan ako ni magnolia ng konteng pag-sasayaw.
Talaga bang gagawin ko 'to, pero diba wala akong choice sa panahon ngayun mahirap mag hanap ng matinong trabaho.
Paano kung malaman ni Suho, panigurado hnd siya papayag sa trabahong 'to. dapat hindi nila malaman na ganito ang trabaho ng ate nila.
Nang matapos na kami mag praktis ay kinuha kuna ang pera kay mama malu, pagka-tapos ay nag paalam sa kanila na pupunta muna ako ng hospital nang maka-bayad na at mailabas na ang kapatid ko.
Nang sa ganun mabili ko na ang mga gamot na kailangan niyang inumin, marami pa akong kailangan bilhin pero saka nalang yun pag magka-pera ako.
" Hoy, Shy saan ka naman kumuha ng pera aber?" Tanong ng mausisa kung kaibigan na si Rika.
" Nag benta ako ng atay, alam munaman diba na lahat gagawin ko para sa mga kapatid ko." Sabi ko habang natatawa.
" Tsk! Jini-joke mo akong babae ka, saan nga?" Tanong niya ulit, tutal kaibigan ko naman ang babaeng to dapat lang na malaman niya.
" Pumasok ako sa bar bilang isang dancer, kahit mahirap kakayanin ko. Kailangan kung kapalan ang mukha ko para naman maka-bayad dito at sa mga utang ko."
" AN--"
" Oo, kaya ikaw manahimik kana lang. Wala akong planong ipaalam sa mga kapatid ko ang lahat tungkol dito. Ayokong idamay sila sa kahihiyan tsk." Sagot ko.
May kinuha siyang papel sa bag niya at binigay sa'kin, kunot noo ko 'tong tinanggap.
" Shy, makaka-pag aral kana ng college." Masayang sabi niya, binasa kunamn ang naka-sulat sa papel.
Aba gaga din ang isang to, ipinasok niya ako sa isang university bilang isang Scholarship ng walang paalam.
" Rika, alam mong hindi ako pwede dahil pag pumasok ako paano ako mag hanap ng pera para sa pang araw araw namin?"
" Shy, diba pangarap mong mag college at mag doctor. Ano kaba it's your chance. Wala kanang babayaran diyan. kaya sige na ag aral kana para din naman sa mga kapatid mo 'to e." pag susumamo niya sa'kin.
" Okay fine."
Nag tatalon siya sa tuwa tsk, ako din naman e masaya dahil makaka-pag aral nadin ako.
Nang maka-bayad na ako ng bills ay nilabas na nanamin si Sandy. Hinihintay panga namin si Suho. Pero wala parin siya ngayun.
Nang maka-labas na kami ay siya naman ang pag-dating nila Suho, kasama ang kanyang mga kaibigan.
Sampu silang lahat, pagka-labas nila sa Van ay sobrang ingay nila. Pormadong pormado ang mga batang 'to. Dinaig ang may date.
" Bakit ngayun kalang, Suho?" Tanong ko. May hawak siyang Sobre.
" Ay naka-labas na pala si Sandy, nag Bigay kasi ang nga itlog na 'to e. Kaya na reach nadin ang 20k ate at sobra pa." Sabi ni Suho, sabay pakita ng pera. Ngumiti ako sa kanila.
" Salamat guys, pero kunin ninyo na 'yan mga pera niyo, bayad na e. Tsaka bakit pormang porma kayong lahat? At may dalawa pa kayong mga Bulaklak." Tanong ko bawat sa kanila ay may bitbit na Chocolate at flowers, kasama ma doon si Rayven na naka-taas ang isang kilay at masamang naka-tingin sa mga kaibigan.
" Hi, Ate shy. Flowers for you." Russel said at inabot sa'kin ang bulaklak at Chocolate. 'tong batang 'to e. Sobrang charming.
Itinulak naman ni Gaven si Russel, kaya nasa harap kuna si Gaven na pa-cute ng pa-cute. Hnd ko alam kung bakit sila ganito sa'kin. Pag pumu-punta sila sa bahay may kanya kanya silang dala.
" And Roses for you, Ate shy." Gaven said, at kinuha pa ang kamay ko at hinalikan. Langya may ganun talaga.
" Bitawan muna ang kamay ng ate ko, Gaven. Nakaka-suka ka." Naiiritang sabi ni suho at tinanggal ang kamay ni gaven sa kamay ko.
" Ate shy, camera kaba." Sabat naman ni Angelo. Habang naka-ngiti ng matamis. Eto nanaman ang nakaka-langgam niyang Pick up line.
" Bakit?" Tanong ko, syempre sinasakayan kuna lng lahat ng trip nila sa buhay.
" Napapa-ngiti mo kasi ako, eh." Sagot ni angelo.
" Ikaw angelo, Suka kaba?" Sarkastikong tanong ni Gaven!
" Bakit, Gaven baby?" Sagot ni Angelo.
" Mukha ka kasing, sinuka ng aso." Sagot ni Gaven, at todo hiway nmn ang barkada.
" Umalis kana nga dyan angelo, amoy suka ka." Sabat ni Khaye. At matamis akong nginitian at inabot ang tatlong rosas.
" Mag pakasal na tayo ate, gagawin kitang reyna ko promise ko 'yan." Sabi ni Khaye, kumikintab kintad pa ang hikaw niya sa kabilang tainga, may hikaw pa ang batang 'to sa labi.
" Wag kang mag pakasal kay khaye ate, Playboy 'yan sa school e. Sa'kin kana lang igagawa kita ng malaking palasyo." Sabat ni, Reiko.
" Utot mo reiko, pang lunch munga hindi mo kaya, paraiso pa kaya? Ang mabuti pa ate, tayo nalang mag lalakbay tayo sa sinasabi nilang Forever." Sabi ni Kenneth, sabay wink pa.
" F*ck you, Kenneth. Mag lakbay ka papuntang Forever. e hanggang room nga hindi mo kayang lakarin e. Dahil sa katamaran mo. Magugutom ka ate pag sa kanya ka sasama. Sa'kin nalang ate. Bubusugin kita ng pagmamahal. At everyday ay kakain kanang mga masasarap na pagkain." Ani ni Tobie.
" Ate wag ka dyan, mas masahol pasa baboy 'yang si tobie. Baka magutom ka e. sa'kin nalang ipapasyal kita sa korea. At makikita mo ang petmalung lodi mong si Jungkook. Malabs mo." Ay bet ko si Jiro, haha.
" You guys shut up, mga paasa 'yan ate Shy. wag kang maniwala. Mahirap umasa sa mga palyboy. Tsk? Back off nalang kayo nga Ulol sa'kin lang siya." Rayven said.
" Alam niyong siyam, manahimik nalang kayong lahat, hindi naman mapupunta si ate sa'nyo. Hindi pa kayo tuli." Sabat ni Suho, kaya nmn ay natahimik ang mga kaibigan niya.
Ngayun kulang pala naaalala na natambakan pala ako ng bulaklak at chocolate. Tapos nandto parin kami sa gilid ng kalsada.
" Shy, bigyan mo ako ng chocolate. Ang sweet ng mga batang 'to." Sabi ni Rika.
" Ate, ate. Akin nalang yung chocolate mo." Sabat nmn ni Sandy, kaya nginitian kosya.
" Ate shy, ihahatid kananamin, diba guys." Rayven said.
" Sino ang ipapa-hospital ngayun?" Tanong ni Gaven.
" Si Russel, may UTI daw siya." Sagot ni Tobie
" Lumabas kana, Russel." Sabi ni Gaven.
"Wala naman ako nun e," pakamot kamot niyang sabi.
" Sino pa?" Tanong ulit ni Rayven, hindi kasi kami kasya sa Van.
" Si tobie." Ani ni Russel.
" Layas na tobie." Sabi naman ni Suho.
Hanggang sa tatlo silang naiwan haha, nakaka-tuwa ang mga batang 'to.
TO BE CONT...