Chapter 5
" Hmm, baka mapanis 'yan." Kinver said habang naka-focus parin siya sa pag da-drive.
"Huh!?"
" Baka mapanis ang laway mo, kanina kapa walang imik diyan e." He said. Tiningnan kosya niyang seryoso. Sa gilid ng labi niya ay may namumuong ngiti base sa kilos ng kanyang labi.
" W-wala naman akong sasabihin e."
Sagot ko sa kanya, ako naman ay hindi ko alam kung bakit tinubuan ako ng kaba habang siya'y unti unting nilingon ako.
" Good point?" Naka-ngiti niyang sagot. Huh!
" Huh!?"
" Listen to me, Ganito nalang mag tatanong ako sa'yo dapat masagot mo. okay?" Naka-ngiti niyang sagot. Hindi ko malaman kung bakit piling ko safe na safe ako sa lalaking ito. Piling ko din na gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya.
" Okay! Ano itatanong mo sa'kin?" Naka-ngiti din na sagot ko.
" Kahit ano!" Sagot niya habang may ngiti sa labi. Wew man hindi ako sanay na lage nalang ngingiti ang kupal na ito sa harap ko.
" Mahirap yata ang kahit ano? Loko ka!"
" Tsk! Don't worry. Walang math or science sa tanong ko." sagot niya.
" Sige na nga, Larga na."
" How old are you?" Tanong niya habang focus na ang paningin niya sa kalsada.
" 20!"
" Really, you don't look it." He said.
" Totoo 20 na ako!" Sagot ko habang naka-nguso.
" Smiling eyes ka kasi kaya mukha kang mas bata sa kaysa sa real age mo. I like your eyes, by the way. They're pretty!" He said, nag init ng husto ang pisngi ko sa sinabi niya. I dunno why. Basta sa mga time na ito ay kinikilig ako at gusto kung huliin ang katagang binitawan niya at ikulong sa maliit na bote. Wahhh erase! Erase! Playboy 'yan malamang ganyan ang way niya para mahuli niya ang mga matamis na oo ng mga kababaihan.
" I-its my turn, ako naman ang mag tatanong?" Sabi ko habang namamawis ang palad.
" Haha! Okay!" He said
" Hmm. Bakit allergic ka sa juice?' tanong ko.
" Dahil allergic ako doon, Malay kuba kung bakit!"sarcastic niyang sagot, buma-balik nanaman ang ka-bipolar ng lalaking kupal na ito.
" Nice answered men, hmm hindi ka daw marunong lumangoy?" Sabi ko habang naka-ngisi, Bigla naman siyang lumingon sa'kin at tiningnan ako ng masama. Yung tiger look niya.
" Excuse me, you are mistaken. I know how to dog paddle." Taas noong sagot niya. Kaya hindi kuna mapigilan ang hindi matawa dahil sa mukha niya.
" Wow huh! Proud ka?" Tanong ko habang natatawa. Ngumuso Siya Bigla at tiningnan ako habang namumula siya.
" Happy kana, tsk." Sabi niya.
"Bwahahhaha!!"
" Stop it, walang nakakatawa!" Naka-simangot niyang sabi.
Pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko, nakakatawa kasi ang mukha niya kulang nalang ay uusok na ang ilong niya sa inis. Now I know madali siyang mapikon.
" I told you to stop, walang nakakatawa." Asik niya.
"May nakakatawa, ikaw. Kung nakikita mulang ang mukha mo natatawa karin!" Sabi ko
" Tsk! Your crazy!" Sabi niya habang inirapan ako.
" Pft! Sayang, sana ay my cellphone ako. Ang sarap mong kuhanan ng picture. 'yong close-up, ha? 'yong puro mukha. Tapos ipapa-blow up ko. 'yong kasing laki ng cartolina. Para kitang kita ang pamumula ng pisngi at tainga m---"
" I told you to stop, kung hindi ka titigil hahalikan kita. Tapos ipi-picture ko at ipapakita ko sa Kapatid mo. Ohh! Ipo-post ko with hashtags. ANG PILINGERANG PANGIT!" Sarkastikong sagot niya kaya natigilan ako, wew what if totoo? Edi masisira ako sa mga fans ko. Sempre joke lang na may fans ako. Mwe! Mwe!
" Wait! Si Rayven ba ang nag sabi nun sa'yo? Argh! That bastard kid!" Tanong niya at talagang hinampas ang manibela.
" H-hindi no!"
" Tsk!"
Makalipas ang ilang sandali ay tumahimik din ang loob ng kotse niya. Tahimik nasyang nag namaneho.
Literal na napa-awang ang bibig ko dahil sa Nakita ko. At nag Simula nadin akong mag laway Dito.
" Wahhh! Balot."
" Tsk! Balot is so gross. So shut up." He said at nilagpasan ang balotan ni mang piping.
" Damot!" Naka-ngusong bulong ko. Inirapan lang ako ng kupal na ito.
" Tsk!"
Literal na nanlaki ang dalawang mata ko dahil Bigla niyang ibinalik ang kotse, at take not tumigil kami sa harap ng balotan ni mang piping.
Mabilis pasa bente kwatro Oras ay lumabas na ako. Natatakam at nilalandi ako ng mga balot.
" Eat all you want!" He said, kaya nag madali na akong kumuha ng isang itlog at mabilis na pinagpag sa lapag at finally napisa din ng konte kaya binuksan kuna. Yummy! Yummy!
" Tsk! Dahan dahan lang, hindi naman lilipad 'yang itlog e." Singhal ng Kasama ko habang naka-sandal siya sa kotse niya.
" Gusto mo." Sabi ko sabay abot ng isang balot sa kanya, bigla siyang ngumiwi at umiling.
" I don't eat that! So gross!" Sabi niya, ang Arte.masarap kaya and balot.
Sempre dahil makulit ako. " Sige na, ang sarap promise." Sabi ko habang nag puppy eyes sa kanya.
" Tsk! Ayoko nga."
" Sige na."
" Ayaw."
" Tsk! Arte mo, mabuti pa si Rayven kina-kain niya Ito."
" Okay fine!" Kibit balikat niyang sagot at kumuha ng isang balot, mabilis niya itong pinisa at sinipsip ang tubig nito, habang ang mukha siya'y naka-ngiwi.
" Happy?" He said. Naka-nganga parin ako sa inasta niya. At take note 3 eggs na ang naubos niya habang ako ay Isa palang.
"Gross pala huh!" Naka-ngising sabi ko, inirapan lang niya ako sabay kuha ulit ng itlog.
" 4 eggs na." Bulong ko.
" Tsk! Tara na, ang pangit pala ng lasa. Nakaka-suka." He said at Bigla niya akong hatakin papasok sa loob ng kotse. Hindi na ako naka-angal pa.
Mabilis siyang mag maneho kaya mabilis din kaming naka-rating sa'min.
"Baba na!" He said, at inirapan ako. Wow sungit niya grabe.
"Oo napo! Wag mo na akong sigawan pa."
"Tsk!"
Bumaba na nga ako, pero napa-hinto ako dahil naaalala kung suot ko pala ang jacket niya.
"Ahh! Teka! Ito palang jacket mo." Sabi ko, sabay abot ko sa'kanya ng jacket niya. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Ohh! Bakit, ganyan nanaman 'yang kilay mo?" Kunot noong tanong ko, sabay kagat kunang kuko.
" Stupid, what if may mga adik diyan sa iskinita. Tapos gahasahin ka. May matinong babae bang kayang suotin ang ganyang dressed, tsk! Ibalik muna lang sa'kin if you want." He said at mabilis na pina-harurot ang kotse niya.
Habang ako ay naiwang naka-nganga, ehh parang may kung ano-anong pumitik sa Puso ko. Ang bilis ng kabog nito.
"Juskolored! May sakit yata ako sa Puso, mag pa-check up nga later!"
Hanggang sa pag uwe ko ay hindi mawala-wala ang ngiting natamo ko kanina. Kaya ang ending ito at nag tatanong ang magaling kung Kapatid.
" Ate! Kay kuya Kinver ang jacket na 'yan, nag de-date ba kayo?" Tanong niya, ako naman ay napa-kagat ng ibabang labi. Malalim na ang Gabi pero nadatnan ko parin si Suho. Kung saan siya naka-pwesto kanina Nung pag alis ko.
" Tsk! Bakit ko naman ide-date ang kupal na 'yon. Porke suot-suot ko ang jacket niya date na agad kami. Kung ako sa'yo Suho. Matulog kana. Dahil ako matulog din dahil may pasok ako bukas."
" Mag aaral ka ate?"naka-ngiting tanong niya.
" Pa-ulit ulit lang, matulog kana sapukin kita e."
" Oo na!" Sabi niya sabay kamot ng Ulo, mausisa talaga ang batang 'yon. Bagay sa kanyang maging reporter.
Pumasok na ako sa loob ng kwarto Namin ni sandy, nadatnan kung mahimbing siyang natutulog.
Lumapit ako para halikan siya, tapos ay kinumutan.
Hinubad kuna ang jacket ni Kinver. Tapos ay ipinatong sa lamesa.
****
" Shy, ready ka naba?" Tanong niya sabay ngiti.
" Oo naman, para ka naman highschool diyan kung maka-ready sa'kin." Natatawang sagot ko, sinimangutan kasi niya ako.
" Shy, higpitan mo ng maigi ang garter ng underwear mo?"
" Huh! Bakit?" Kunot nuong tanong ko,
" Kasi maraming oppa sa university. Kyahh!" Tili niya, kaya ayun maka-kuha ng batok Mula sa'kin.
" Landi lang rika, makaka-graduate ka niyan."
" Hoy! Ate rika. Puro ka oppa diyan. Baka oppakan ko ang oppang sinasabi mo!" Sabi ni Suho habang nag susuot ng sapatos.
" Kontrabida Kang Suho ka?" Sagot ni rika, sabay tapon ng masamang tingin si Suho.
" Whatever! Maunana kami ni sandy ate?" Sabi niya.
" Ohh! Saan ang notebook at ballpen mo?" Tanong ko, wala kasi akong makitang bag na dala niya. Madalas kasing wala ako pag umaalis Sila sa bahay para pumasok sa school.
Tumalikod siya sabay pakita ng notebook sa likod niya, haisst siraulo talaga.
" Ang ballpen?" Tanong ko, tinuro niya ang tenga niya, oo may ballpen siyang inipit doon.
" Bakit hindi ka nag dadala ng bag, aber?"
" Ang bigat nun e. Hindi ko naman magagamit e." Sabi niya sabay kamot ng batok.
" Sabihin mo, siraulo kalang Suho!" Giit ni rika, sabay hampas ng braso ni Suho.
" Aray! Inggit kalang ate rika e." Sabi ni Suho sabay takbo palabas.
" Kita mo, ang bad boy talaga ng Kapatid mo." Naka-pamewang na sabi niya.
" Hayaan muna, ganun talaga 'yon."
" Tara na nga!" Aya niya, kaya lumabas na kami.
***
" Wow! Ang laki naman ng McCone University?" Sabi ko, habang may kung ano Anong kumikislap sa mata ko.
Malawak ang buong university, maraming nag Kalat na student's.
Ngumiti ako ng bahagya. At naaalala ang sinabi ni daddy.
" Anak! When I'm gone, be a good girl, And God always take care of you, and I will look down upon you from the heaven."
Yun ang huling sabi ni daddy bago siya malagutan ng hininga.
' Dito ko tutuparin ang mga pangarap ni daddy sa'kin, ang maging isang magaling na doctor sa buong mundo'
" Shy! Deretso na tayo sa Dean's office." Untag ni rika, kaya Bigla akong napa-mulat, may papikit-pikit kasi akong nalalaman. Well masama bang maging masaya.
" Okay?"
Sinamahan niya ako papunta sa Dean's office, well nakaka-pagod. Liko kanang liko. Ang laki kasi ng school.
Finally nahanap din Namin ang hangal na Dean office na ito.
Pumasok na kami ni rika, nadatnan Namin ang isang lalakeng naka-upo sa swivel chair. Naka-ngiti ito at sinenyasan kaming maupo sa harap niya.
" If i'm not mistaken, you're Shy Marie Medroso. Hija! Okay na ang lahat. Pwede kanang pumasok ngayun rin araw. Be a good student okay?" Ani ng matandang lalake,
" Thank you Po!"
" Welcome, and welcome to McCone university!"
Umalis na kami at pumasok na sa magiging room ko, sad kasi hindi ko Kasama si rika. Iba ang room ang papasukan Namin. Well iba kami ng kurso.
Dumeretso na ako sa magiging room ko, saan kaya 'yon?
Napa-hinto ako ng Makita ko ang room na kanina ko pa hinahanap.
" Salamat at nahanap din kita, pinahirapan mo akong room ka." Sabi ko, nagulat nalang ako ng may bumuntong hininga sa may likod ko at talagang nag si tayuan ang lahat ng balahibo sa batok ko dahil tumama ang mainit niyang hininga.
"Excuse me!"
Mabilis akong tumabi, habang ang lalake ay deretsong pumasok sa loob. Ako naman ay sumunod. Kitang kita ko ang mga babae na nagpipigil sa kani-kanilang sarili. Kinikilig ang mga timang.
Nag angat ang lalake ng mukha kaya naka-nganga ako, sabay takip kunang mukha. Siya Yung maximo ang pangalan. Kill me now guys.
Kinunutan niya ako ng noo, sabay irap at kuha ng books niya sa bag at binuklat ito. Ehh Dito din siya.
Wala akong choice kung hindi ang umupo sa may sulok, alangan naman na maupo ako sa tabi nung maximo. Baka akalain na crush kosya.
" You have no choice, kung hindi ang lumipat sa tabi ko." Seryosong sabi niya sabay turo sa'kin. Luhh!
" Huh!?"
" Hindi na available ang upuan na 'yan, baka mag mukha kalang tanga Mamaya!" Masungit niyang sabi at bumalik na muli ang paningin niya sa books na bumabasa niya.
" Narinig niyo 'yon guys, isang baguhan hinahayaang paupuin ni max. Sa tabi niya!"
" Tsk! Hindi maaare, si Darlyn nga pina-alis niya. Yung bagohan hindi?"
Big deal ba sa kanila 'yon, pero dahil mabait ako Sige pag bigyan. Bleehh mamatay kayo sa inggit mga tsismosa.
To be continued....