Chapter Thirteen CHLOE MAKALIPAS nga ang dalawang buwan ay mas naging madali para sa akin ang pagtatrabaho dito sa mansion ng mga Villahermosa dahil kabisado ko na ang loob at labas ng napakalaking bahay na ito. Hindi na rin ako nahihirapan sa mga gawain dahil nagtutulungan naman kami. Magaan din na katrabaho ang mga kasamahan ko dito kaya laking pasasalamat ko na napunta ako rito. Sumasahod na rin ako ng 35,000 sa loob ng isang buwan kaya naman ay nakakapag- ipon na ako kahit papaano. Wala naman kaming pinagkakagastusan dahil libre ang aming mga pagkain. Nakakapagpadala na rin ako kina amang at inang ng kanilang gagastusin sa bahay. Hindi pa kasi ako nagbabakasyon sa amin dahil nanghihinayang ako sa pamasahe at naiintindihan naman iyon ng aking mga magulang. Ngunit habang lumilipas

