HINDI nila alam kung ilang minuto na silang nakatitig lamang sa isa't isa habang nakangiti. "Are you happy?" tanong ni Brad sa dalaga. Tumango si Maya. "Hindi ka nagsisisi?" Umiling naman ang dalaga. She bit her lips. Humiga siya sa dibdib ni Brad. Ngayon na naibigay na ni Maya kay Brad ang sarili nito, mas lalong nakaramdam si Brad na kailangan niya itong alagaan at protektahan. Nasa ganoon silang posisyon nang tumunog ang cellphone ni Brad. Bumangon siya at kinuha ang cellphone sa bulsa ng hinubad na pantalon. Si Ynez ang tumatawag. "Ynez," aniya. "How is Isabella doing?" "Don't worry, she's okay. Hindi pa umiyak simula kanina. As a matter of fact, she's taking a nap, now," tugon ni Ynez. "Tumawag lang ako para kunustahin ka. Baka mamaya, na-mi-miss mo na si Isabella. Huwag mo m

