"Ma, wala na po ba talagang pag-asa na makabangon pa ang hacienda?" tanong ni Bel ng magpunta sa ospital kung saan naka confine ang kanyang papa. Tumaas ang presyon ng dugo si Señor Ben ng matanggap at mabasa na ang sulat mula sa bangko na nagbibigay ng palugit para ilitin na ang buong hacienda dahil sa malaking pagkakautang nito. "Masakit tanggapin pero ano pang magagawa natin? Wala na talagang ipon dahil nagamit na. Ang natitira na lamang ay pang suporta sa pang araw-araw at sa pag-aaral ng mga kapatid mo," malungkot na sagot ng mama ni Bel. Sa labas sila ng ospital nag usap at hindi sa mismong pribadong silid kung saan naroroon ang si Señor Ben. Hindi pwedeng marinig nito ang kung anongga negatibong kwento dahil baka tumaas na naman ang presyon nito. "Sorry po, Ma," sabi naman ni

