"Hindi mo kailangan na pagdalhan ako ng pagkain dahil hindi naman kailangan," ani ni Jude ng hindi niya inaasahan na pupuntahan siya ni Bel para nga maghatid ng pananghalian. "Ano ka ba? Asawa kita kaya dapat lang na asikasuhin kita lalo na ang sa pagkain mo. Paano ka makakapag isip ng mabuti at haharap sa ibang taong kausap mo kung hindi ka nakakain ng mabuti? Kaya hayaan mo na ako sa ginagawa. Masaya naman ako," sagot ni Bel at todo asikaso pa sa paghahanda ng mga kailangan ni Jude sa pagkain. Si Jude ay mataman lang na pinanonood ang mga kilos ni Bel. "Bakit ginagawa mong lahat ng mga ito? Dahil ba sa pamilya mo? Nagpapakita ka ng pag aasikaso sa akin dahil alam mong isang salita ko lang ay lalayas ang buong pamilya mo sa bahay na hindi nila maiwan lalo ng papa mo?" diretsahan ng tan

