“Sigurado ka ba na gusto mong tumulong umani ng mga mani?” tanong ni Señor Ben sa anak na si Bel ng ipilit nitong sumama ng malaman na magtutungo siya sa bukid para umani ng mga mani. “Oo naman po, Pa. Miss na miss ko na po ang trabahong bukid. Miss na miss ko na po ang samyo ng mga sariwang halaman gayundin ng amoy ng lupa,” maagap na sagot ni Bel na tila ba bumibigkas ng mga salitang kaytagal niya ng hindi nasambit. Ilang araw ng namamalagi sa kanilang probinsya si Bel at nagkita-kita na rin silang magkakapatid kung saan napuno ng iyakan at tawanan ang munting kubo ng kanilang mga magulang. Maraming mga tanong ngunit makakapaghintay ng mga kasagutan. Maraming hungkag na mga panahon ang lumipas ngunit ang isang araw na pag uwi ay pumupuno sa mahabang paghihintay na may pananabik sa p

