Habang papalapit si Bel kay Jude na nakatayo lang sa harap ng gate ay nakatanaw ito marahil kay Luke na kasama ng kanyang lolo at lola sa terrace. Maingat na binuksan naman ni Bel ang gate na gawa sa kawayan. “Anong maipaglilingkod namin sa alkalde ng bayang ito at sa gitna ng katanghalian ay nasa tapat sa aming munting tahanan?” ang malumanay ngunit may kasamang diin na tanong ni Bel. At sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng labing siyam na taon na hindi pagkikita ay muling nagtagpo ang mga mata ng dating mag-asawa. Ang mga mata ni Jude ay mababasa ang maraming galit ngunit maraming nais na itanong habang ang mga mata ni Bel ay nananatiling blangko at walang mababasang emosyon. “Mabuti naman at humarap ka na sa akin at nagsalita na samantalang kanina ay hinayaan mo akong parang tan

