“Okay ka lang ba talaga, iha? Sigurado ba ang doctor na walang dapat ikabahala? Inulit ba ang laboratory test sa apo ko?” natatarantang pag-aalala ng mama n Jude ng dumating sa ospital ng mabalitaan ang nangyari sa anak at sa apong babae. “Opo, señora. Tiniyak naman po ng doktor na okay na okay si Barbie at makakauwi na po talaga siya,” tugon ni Bel sa dating biyenan. “Salamat po kay mayor Jude sa matapang na pagligtas po sa akin,” pasasalamat ni Barbie at tumingin sa ama na may benda ang ulo at iniinda ang masakit na balakang kaya hindi makalakad ng maayo. Ayon naman sa mga xray na isinagawa sa kay Jude ay okay naman ang sugat niya sa ulo at walang dapat ikabahala habang nabugbog ang balakang niya kaya naman hindi siya makatayo at makalakad ng maayos kaya kailangan niya na munang magpah

