Naging palaisipan kay Bel kung anong nais sabihin ni Simang sa kanya at bakit dapat sa labas pa nito dapat sabihin gayong magkaharap na silang dalawa. Naawa si Bel sa mga anak nitong maliliit pa kaya kahit nag iipon siya para may maibigay sa pamilya ay ibinigay niya na lang ang pera kay Simang para makabili ito ng mga pagkain at gamot na rin para sa asaws nitong may sakit Kung si Jude ay nakatiis na hindi talaga naggbigay sa mag iina na naglakad pa ng pagkalayo-layo ay hindi siya. Malapit sa mga trabahdor ang puso ni Bel kaya naiintindihan niya ang mga ito lalo na kapag nangangialangan ng para sa pinansiyal. Kaya kahit para sa pamilya ang pera na itinatabi ay mas pinili na lang ni Bel na ibigay kay Simang dahil kahit paano ay kumakain pa rin naman ang pamilya miya ng tatlong beses sa i

