Chapter 38 NIHAN Anim na araw ang lumipas unti-unti na rin natatanggap ng anak ko si Ethan. Minsan ay pinapasyal din ni Ethan ang anak ko sa park or Mall sinasama rin niya si Paris. Naging mabuting kuya naman si Johalvin kay Paris. But until now ay Tito pa rin ang tawag ni Johalvin sa kanyang ama. Hindi ko rin alam kung may nakapag sabi na ba kay Pamela na may anak si Ethan sa akin. Dahil isang beses pa lang kami magkita ni Pamela. Gusto ko man siyang kausapin ay nagdalawang isip ako. Baka saan pa kami hahantung lalo na galit siya sa akin. Ilang beses din akong kinakausap ni Ethan na lumipat kami ng anak ko sa mansion niya ay hindi pa rin ako pumayag sa gusto ni Ethan na isama niya ako sa new mansion niya na pinatayo niya. Naintindihan naman ako ni Ethan dahil mas-prefer ko na peacef

