Chapter 54 NIHAN Sa sobrang takot ko bigla kung niyakap si Ethan. Tahimik lang sya nakatingin sa akin, iba kasi ang nararamdaman ko ng paggising ko ay ni-isang tao sa loob ng mansyon ay wala akong nakita. "Pinakaba mo ako, ilang beses kitang tinatawagan pero hindi mo sinasagot ang tawag ko sa'yo. Tinawagan ko si Mommy dahil nag-alala ako sa inyong dalawa ng anak natin. Nang sabihin ni Mommy na inihatid mo si Johalvin sa kanila ay gumaan ang pakiramdam ko." Hindi niya sinagot ang mga sinabi ko. He kissed my forehead. Iba ang dikit ng labi niya sa noo ko. Niyakap niya ako tapos ay kinuha niya ang kanyang phone sa suot niyang blue jeans jacket. Pinabasa niya sa akin ang tina-type niya na message sa screen ng kanyang phone. Binasa ko ng mabuti. Kagabi pa raw nawawala ang tono ng kanyang b

