Chapter 16

2038 Words
Chapter 16 NIHAN Nandito kami ngayon ni Dexter sa Manila Zoo. Matagal-tagal na rin akong hindi naka-pasyal dito, lagi kasi akong busy sa pag-aaral. Hinila ni Dexter ang kamay ko. Dinala niya ako sa may mga iba't-ibang uri ng ahas. Takot na takot pa naman ako sa mga ahas kahit maliit na mga worms ay hindi ko kayang tingnan. "Please Dexter 'wag dito. I'm scared," I said. Ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko kayang tingnan paano kumilos ang mga ahas. Lalo na pag-ilabas ng mga ahas ang dila nila. Hanggang sa iniwan ko si Dexter na nasisiyahan tingnan ang mga ahas. "Dexter, bahala ka d'yan mag-isa kakagatin ka ng ahas na'yan!" malakas na sabi ko sa kan'ya. Umupo ako sa bakanteng bench. Na malayo ang iniisip ko, at pinagmamasdan ko ang mga ibon. Tila kay gandang pakinggan at kanilang tinig. Siguro ay nag-uusap sila, parang mga bata itong naghahabulan. "Nihan, look at me." Paglingon ko kay Dexter ay kinuhanan niya ako ng litrato. Nginitian ko siya at mabilis siyang lumapit sa akin. Pinakita niya ang iba't-ibang stolen picture niya sa akin. No doubt na stolen talaga pero infairnes ang gaganda ng kuha niya sa akin. Tiningnan ako ni Dexter napapansin siguro niya na malayo ang iniisip ko. "Nihan, look at this one." Mahinahon niyang sabi sa akin. "Ano naman ang gagawin mo sa picture ko na'yan? Parang nasa ibang planeta ang itsura ko." Nakangiting sabi niya sa akin. "Gagawin ko ito na the best souvenir for me. Because this is the first time na, I spend my time with you." Nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Dapat ay kinikilig ako sa mga sinabi sa akin ni Dexter. Pero parang iba ang nararamdaman ko ngayon nawala ang dating excited ko sa kan'ya. Dapat nga ay masaya ako dahil isa ito sa matagal ko ng hinahangad na ma-solo ko siya. Nilingon ko si Dexter na serious na nakaupo sa tabi ko. Nang mapansin niya akong nakangiting nakatingin sa kan'ya ay tinapik niya ang noo ko. "Are you okay beautiful lady?" he asked me. I nodded to him. "Ang gwapo mo sabi ng hangin." Bigla siyang natahimik sa sinabi ko. "Nihan, thank you." Pasalamat niya sa akin. "Saan naman ang thank you na'yan? Actually ako ang magpasalamat sa'yo," saad ko. Tumawa siya sa akin at hinakbayan niya ako. I swallowed. "Dahil ito ito 'yung unang araw na ibabsa sa lahat ng araw ko." Kumunot ang noo ko. "Paano mo naman iyan na sabi? Araw araw nga sa campus malayo ka palang ay napaka-energetic mo halos ng girls ay sa'yo nakatuon," I said. Magsasalita sana ay mabilis siyang tumayo ng makita namin ang batang lalaki na nahulog mula sa maliit na puno. Nilapitan niya ito at tinulungan ang batang umiiyak hanggang sa dumating ang magulang ng bata. Hindi ko akalain na may side pala si Dexter na nakakahanga na pag-uugali. Tama nga ang kasabihan na, never judge someone without knowing the whole story, you don't know what they've been through. I took a deep breath and I smiled inside my heart. Almost three hours din kami ni Dexter umikot-ikot dito sa Manila Zoo. Pagkalipas ng ilang minuto ay niyaya ko rin umuwi si Dexter. Mabuti na lang ay niyaya ako ni Dexter mamasyal kundi para akong Lola sa apartment ko. Nang nasa loob na kami ng kanyang sasakyan ay sinabi niya sa akin na tinag niya sa aking social media account ang ibang selfie namin. Pakiramdam ko ay ibang-iba si Dexter na nakikita ko ngayon. "Talaga!?" gulat na tanong ko. "May magagalit ba Nihan kung tinag ko sa'yo ang selfie na'tin?" hindi agad ako naka sagot sa tanong niya sa akin. Tipid na ngiti ang ginawa ko sa kan'ya. Umiling-iling ako sa kan'ya. Inutusan niya ako na tingnan ko ang social media account ko. Pagbukas ko ng Louis Vuitton ko na sling bag ay wala pala sa loob ng bag ko ang cellphone ko. Ngayon ko lang naalala na naiwan ko pala sa apartment ko. Nang nasa harap na ako ng apartment ko ay mabilis akong lumabas ng sasakyan ni Dexter. Nagpaalam ako sa kan'ya at nagpasalamat din ako. Ilang sandali ay nasa loob na ako ng apartment ko. Hinanap ko agad ang cellphone ko kung saan ko ito nailagay. Nang makita ko ay naka-charge pala ito. "Sh*t!" mura ko dahil 25 miss call from Ethan at 50 messages pa ito. Binuksan ko ang messages niya hindi ko alam kung alin ang una kung babasahin. So hindi ako nag-reply sa mga message niya sa akin. I checked my social media account. Muntik na akong ulit napamura sa tag sa akin ni Dexter na photos. Thank you so much for spending time with me, beautiful lady sa uulitin. Ang laman ng caption ni Dexter with heart emoji pa. Ni-like ko lang ito hindi rin akong nag-comment. I'm not excited too na basahin ang mga comments. My friends and friends ni Dexter ang nagkokomentan. Maya-maya ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Sinagot ko agad na hindi ko tiningnan kong sino ang tumawag dahil ang binabalot ko ng tuwalya ang buhok ko na basa katatapos ko lang kasi maligo. "Hello," I said. Isang malakas na hininga ang narinig ko sa kabilang linya. Nag-hello ako ulit pero walang sumasagot. "Nihan," natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Ethan. Tinig pa lang niya ay nagpapalakas ng t***k ng puso ko. "Ethan, what do you need?" tanong ko. "Delete mo ngayon ang tag ng bastard na lalaki na'yun! Pleased, sweetheart. I'm getting crazy right now. Kanina pa kitang tinatawagan why you didn't pick up my call. Pinapatay mo ako selos." Lumaki ang mata ko sa mga sinabi ni Ethan sa kabilang linya. "Aba wala naman masama sa post ni Dexter." Saad ko. "I know, please can you remove it," mahina niya na boses. "Bukas na Ethan, nakakahiya naman kay Dexter kung agad-agad kung burahin." Sabi ko. Siya nga hindi ko sinabi sa kan'ya ang tag sa kan'ya ng tamara na'yun. Tapos ang dami niyang selfie ng bruha na'yun. Ang lakas niyang siyang sabihin na delete ko ang mga litrato ko Zoo. "Bakit bukas pa baby, kung pwede mo naman na delete ngayon?" seryoso niyang tanong sa akin. "Tinatamad kasi ako at low battery na rin ako." Sagot ko. Pakiramdam ko para kaming mga bata immature kung mag-isip dahil pinagtatalunan namin ang walang kwentang post. I shook my head. "Nagseselos ako Nihan," mahina at malungkot niyang boses sa linya. Napahawak ako sa aking dibdib. Sa lakas kabog nito ay hindi ako mapakali. Walang takot niyang sinabi na nagseselos siya. Ilang beses din niyang sinasabi na ngayon ko ng e-delete ang post ni Dexter. Hindi ko alam kung delete ko ba o hindi. Magsasalita sana ako ay narinig ko sa kabilang linya na may babaeng nagsalita. Pakiramdam ko ay nagseselos din ako. Narinig kung tatlong beses umubo si Ethan. "Sir, ito na po ang gamot niyo sa ubo. May ginawa rin po ako sa inyo na lemon juice with honey. Maganda po ito na inumin n'yo sabi ni ma'am Emma. Actually kaka-tawag niya lang po sa akin." Narinig kung sabi ng babae. May sakit siya? Kaya pala ang iba ang boses niya sa kabilang linya. Nagsalita ulit ako sa kabilang linya. "Iyan kasi, inom ka ng inom ng alak. Tapos kung sinu-sino pa ang katabi sa bar. Ethan narinig ko ang sinabi sa'yo ng babae. Lahat ng sinabi niya ay sundin mo lahat. Aba Ethan Tita's boy ka pa rin hanggang ngayon." Walang preno na sabi ko. Tumawa ito sa kabilang linya. Ang tawa na may kasamang pang-iinis. "Concerned ang sweetie ko. I'm feeling well na baby ko na marinig ko sa'yo na galit with concerned samahan pa na nagseselos ang sweetheart ko. Ini-imagine ko na nasa harapan din kita baby ko kung paano ka magalit. I love how you talk." Sabi niya sa akin at wala pa rin tigil siya sa pag-ubo. Magsasalita sana ako para sagutin siya ay nagbago na ang isip ko. May ubo na nga siya ay may time pa siyang inisin ako. Kalaking tao ay nagsasabi siguro siya kay Mommy kahit konting sakit lang sa kan'ya. Maya-maya ay binaba ko na linya hindi ko na pinansin ang iba niyang sinasabi. Tatlong araw ang lumipas, naging busy na rin ako sa pag-aaral ko. Until now ay hindi pa rin ako umuwi sa mansyon namin. I prefer na sa apartment na lang ako manatili. After ng klase namin as usual nasa dating gawi kaming magkakaibigan. Kung Anu-ano na lang ang pinag-uusapan namin. Nakita ako ni Basir malaking hakbang siyang lumapit sa akin. Kaibigan ang turing sa kan'ya ng mga kaibigan ko. They told them na pwede siya mag-join sa amin pero tumanggi siya hindi kasi niya pwedeng iwanan ang kanyang mga kaibigan. "Nihan ang gulong ng sasakyan n'yo po ay nabutasan. Tinawagan ko si Tatay na sundin ka ng isa sa mga driver sa mansion." Tumango ako sa kan'ya at nagpapasalamat. Ilang minuto ay lumabas ako ng Jones University. Paglabas ko ng gate ay akala ko ay namamalikmata ako sa nakikita kung naka-park na magarang sasakyan. Kilalang-kila ko ang may ari ng sasakyan na'yu. Malayo pa lang ay kilala ko na. Si Ethan pa lang ang nakita ko na may ganitong magarang sasakyan maliban kay Daddy at ibang billionaire dito sa Pilipinas. Rolls-Royce boat tail. Isa ito sa pinaka-expensive na sasakyan sa buong mundo. I think nagkakahalaga ito ng 30 million dollars. Halos mata ng mga campus boys ay sa sasakyan ni Ethan nakatingin. Hindi pa rin akong gumagalaw sa kinatatayuan ko. Muntik ng mahulog ang hawak ko na libro na may biglang niyakap ang baywang ko. Parang tumigil ang mundo ko ng maramdaman ko ang isang mainit na hininga sa batok ko. Ang kanyang pabango ay kilalang-kilala ko ang may ari nito. Nilingon ko siya. Muntik ng magtama ang labi naming dalawa ni Ethan. Napaawang ang labi ko. Gusto kung umiwas ng tingin sa kan'ya ay pinigilan niya ako. "Umuwi kana? Kailan pa?" pagtataka na tanong ko sa kan'ya hanggang ngayon ay nagtitigan pa rin kami at hindi siya umiimik ang malalim niyang mata at nakapako sa akin. Hinalikan niya ako sa labi. Nanigas ako sa ginawa niya sa akin sa harap ng mga estudyante. Mas diin niya ang halik niya sa akin. Iba halik na ito sa akin dati, halik ito ng punong-puno ng pananabik. Hindi ko na mapigilan ang dumadagundong kung puso. Ang mainit niyang halik ay tila nasa ulap ako na tinatangay ng mga ibong naglalaro sa taas ng ulap. "Ethan," sabi ng isip ko dahil hindi ko maibuka ang bibig ko dahil sinakop ng matamis niyang labi ang bibig ko. Dahan-dahan kung sinarado ang mga mata ko at kusa akong nagpapatangay ng mapupusok niyang halik. Wala na rin akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa amin. Para kaming nasa television na romance drama na pinapanood ng mga tao. Ginaya ko ang kanyang paghalik sa akin. Kusa kung binuka ang labi ko at malaya niyang naipasok ang kanyang dila sa loob ng bibig ko. Nanlaki ang mata ko ng huliin niya ng kanyang dila ang dila ko. Nang mahuli niya ay sinipsip niya ito ng walang tigil. Nakakalasing ang kanyang mapaglarong dila. Napaungol ako at tinaas ko ang kamay ko sa matigas niyang dibdib. Napamura siya ng maramdaman niyang hinaplos ko ang kanyang dibdib. "Nihan, Nihan gising nanaginip ka yata." minulat ko ang mata ko at Inikot-ikot ko, nasa cafeteria pala kami. It means nanaginip ako sa tanghaling tapat. OMG! tiningnan ko ang mga tao sa cafeteria. It means nakita nila kung ano ang itsura ko while I'm dreaming of Ethan na naghahalikan. Napatapik ako ng noo aking ko. Mabuti na lang at panaginip kung totoo na naghalikan kami ay siguro umabot ng social media ang halikan namin ni Ethan. Pinawisan ako nakakahiya minsan nga lang managinip ay dito pa sa cafeteria na sunud-sunod na may taong pumapasok. "Ang sarap ng tulog mo girl kaya hinayaan ka namin matulog. Na tila umiiyak ka ay ginising ka namin." Sabi sa akin ni Sashie, I smile at her. "Nihan may lagnat ka yata e, ang init ng katawan mo at pawis na pawis kahit hindi naman mainit naka-on naman ang AC." Sabi ni Pamela ang isa niyang kamay sa aking noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD