Chapter 11
Nihan
Paglabas ko ng kwarto ni Ethan ay tumakbo akong pumasok sa aking kwarto. Tila nanginginig ang buong katawan ko ng makita ko ang maskuladong katawan ni Ethan. Hindi ko akalain hindi lang parang pandesal ang ang sunod-sunod na abs niya. Mga ganun na katawan ang dream ko sa katawan ng lalaki.
Mas lalong hindi ako mapakali ng idikit niya ang kanyang katawan. Nahihiya ako sa sarili ko na yung parang something na dumikit sa tiyan ko. Padabog akong pumasok sa banyo at naghihilamos ng malamig na tubig para mawala sa isip ko yung ano ni kurimaw na alaga ni Ethan. Syempre sino ba ang hindi makaalam ng bagay na'yun. Kahit ilang beses na akong naghilamos ng malamig na tubig ay pakiramdam ko ay nag-iinit ang magkabilang pisngi ko. Parang kamatis na ito na namumula sa init.
Lumabas ako sa banyo at tumalon ako sa water bed ko. Nakatingala ako sa kisame parang akong isda sa ibabaw ng kama ko na water bed. Pakiramdam ko pumasok sa loob ng buong katawan ko ang mainit at mabango niyang hininga. His sexy muscle and chest hindi nawawala sa mata ko tila anino na hindi umaalis sa mata ko.
"Ahh…" sambit ko na palingalinga ako na ang isang unan ay nasa mukha ko.
Kasalanan mo kasi iyan self dahil bakit biglang pumasok sa ganitong oras ng gabi. Mas lalo akong natataranta at hindi mapakali. Gusto ko lang naman siyang pasalamatan sa malaking doll na bigay niya sa akin dati. Ewan ko ba kasi na hindi ko na hinintay bukas na ako magpasalamat sa kan'ya.
Bumangon ako dahil hindi ako dinadalaw ng antok. Ang mata ko ay buhay na buhay at dilat ng dilat tila wala yatang dalawin ng antok. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng desk na nasa gilid ng bed ko. I opened my social media account. Nag-scroll ako ng scroll sa wall ko. Ni-like ko ang mga dumadaan sa wall ko. Ilang araw din akong hindi naka-upload ng mga picture ko. Biglang kumunot ang noo ko na tinag ni Veronica ka si Dexter ng selfie nilang dalawa with caption na sorry love.
Kumirot ang puso ko. Hindi ko ni-like ang post na yun. Pakiramdam ko para akong sinasakal. I feel hurt. Bago pinatay ang cellphone ko ay tiningnan ko muna ang oras almost 11pm in the evening na. Kahit anong position ay hindi pa rin ako makatulog ginawa ko ay lumabas ako ako balcony ng kwarto. Baka kung makalanghap ako ng sariwang hangin sa labas ay dalawin ako ng antok.
"We are here now self sa balcony kung hindi kapa mata dalawin ng antok ekakape talaga kita sa hatinggabi na ito." Kausap ko ang sarili ko at umupo ako s maliit na upuan.
Pag-upo ko ay nakita ko si Ethan na nakatayo sa rin sa balcony. Magkatabi lang kasi ang kwarto namin na dalawa. Napanguso ako ng makita niya akong nakatingin sa kan'ya. Lumapit siya para mas makita niya ako.
"Hanggang ngayon mahilig ka pa rin ngumuso mas papangit ka niyan," he said.
Simumandal ako at hindi ko pinapansin ang kanyang sinasabi. Napansin kung hindi kumukurap sa kakatitig sa akin. Ang kanyang mga matang nakatitig sa akin ay tila may sasabihin na hindi niya masabi. He smiled at me.
"Hoy, Ethan! Bakit pangiti-ngiti ka d'yan sa akin akala ko ba ay pangit ako sa malaki mong mata." Napaawang ang kanyang labi sa walang prenyo na sabi ko.
"Masama bang ngumiti?" he asked me.
"Joke lang kahit hanggang bukas ay ngumiti ka walang nagbabawal sa'yo," sabi ko at tinalikuran ko siya.
Nilingon ko siya ulit nakita ko siyang naninigarilyo. Medyo seryoso ang kanyang mukha. Tumikhim siya ang mata niya ay nakatingin sa malayo. Mukhang malayo ang narating ng kanyang isip. Nang makita niya ako ay tinawag niya ako.
"Nihan," tawag niya sa akin.
Papasok na sana ako sa loob ay napatigil ako sa paglalakad ng tawagin niya ang pangalan ko. I saw him bite the lower part of his lips. I feel something while he's biting his lips. Hindi maikakaila na para bang nang-aakit ito. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko na rin siya pinansin at tuluyan na akong pumasok sa loob.
Pagpasok ko ay humiga agad ako sa higaan ko. Tinanggal ko rin red night silk piece robe ko. Hindi pa rin akong dalawin ng antok mag-alas dose na tingnan ko alarm clock ko. Ilang sandali ay tumunog ang cellphone ko lumaki ang mata ko ng makita ko ang screen ng phone ko dahil si Ethan ang tumatawag. Hindi rin ba ito makatulog ng ganitong oras?
"Hello, what do you need?" tanong ko agad sa kabilang linya.
"Please open the door," saad niya.
"What?"
"Please, kung ayaw mong may makarinig at magkagulo sa labas ng kwarto mo ay buksan mo sa akin ang pintuan." Napabuntong-hininga ako.
Bumangon ako at binuksan ko ang doorknob. Hindi ko rin na suot ang robe ko tanging mini short at spaghetti lang suot ko at wala rin akong panloob sa taas na suot.
Nagmamadali ko siyang pinapasok sa loob ng kwarto, dahil baka ano pa ang isipin nila Mommy at Daddy kung bakit nasa labas ng pintuan ng kwarto ko si Ethan. Mukhang may tuyo rin ang lalaki na'to ka abogado niyang tao kung umasta ay parang hindi abogado huwag lang niyang sabihin sa akin na immature siya kundi sasakalin ko talaga siya.
Pagpasok niya ay hinatak niya ang baywang ko. I cleared my throat, sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay pakiramdam ko ay sasabog at tatalon ang puso ko. Mabilis niyang ni-lock ang pintuan at dinikit niya ang likod sa pader ng kwarto ko.
Ang kanyang mga mata ay malalim niyang akong tinitigan. He smiled at me. Ang ngiting para bang tinatangay sa kabilang mundo. He lifted my chin with his hand. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko dahil naharangan ako ng malaki niya braso.
"Nihan baby," baritono niyang boses ay iba ang dating niya sa akin.
Mas hinapit niya ang baywang ko at dinikit niya ito sa matigas niyang tiyan. Ramdam na ramdam ko kung paano dumikit ang dibdib ko sa kan'ya wala pa naman akong suot na bra. Hindi ko alam kung paano ko siyang tingnan.
"Ethan, lasing ka ba?" tanong ko sa kan'ya at sinubukan ko siyang itulak ay hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung natatakot ba ako o gusto ko ang ginagawa niya sa akin.
Hinaplos niya ang magkabilang pisngi mo. Nagtitigan kaming dalawa naririnig ko rin ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Dinikit niya ang kanyang noo sa noo ko. Gusto kung napamura sa ginawa niya sa akin. Binaling ko ang mukha pero parang automatic ang isa niyang kamay na hinarangan niya ang pagalaw ko.
Ilang segundo na titigan namin ay hinagod niya ang ibabang labi ko. Mas lumakas ang t***k ng puso ko.
Bumaba ang mata ko sa kissable niyang lips. Napalunok ako para nanigas ako sa harapan niya. Lumaki ang dalawang mata ko ng bigla niya akong hinalikan. Nakapikit ako at hindi ko alam kung paano ako gumanti sa malambot at mainit niyang labi.
Mas lalo niyang diniin paghalik sa akin. Pakiramdam ko ay nagkakabuhol-buhol ang lakas ng pintig ng puso ko. Sinubukan niyang buksan ang bibig ko gamit ang kanyang dila ay pinigilan ko siya. Kumuha ako ng lakas ng at tinulak ko siya. Mabuti na lang malakas ang pagka-tulak ko sa kan'ya at nagkahiwalay ang katawan namin.
Hindi ako dapat na magpadala sa kan'ya. Pero nakatitig pa rin siya sa akin. Nahuli ng mata ko na bumababa ang kanyang mata sa dalawang dibdib ko. Sunod-sunod siyang napalunok tila nanuyo ang kanyang lalamunan. Ang mata niyang tuluyan ng napako sa dibdib ko. Humakbang ako banda sa pintuan at binuksan ko at sinabihan ko na lumabas pero hindi siya nakinig sa akin. Instead na lalabas siya ay niyakap niya ako ng mahigpit at dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko.
"Sorry baby sa ginawa ko hindi ko sinasadya. Promise hindi ko na uulitin, gusto ko lang kasi sabihin sa'yo na…" hindi niya na ituloy ang sasabihin dahil kinalas ko ang kanyang kamay sa pagyakap niya sa akin.
Sa lakas niya ay hinuli niya ang kamay ko. Binuhat niya ako at nilapag niya ako sa ibabaw ng waterbed ko. Ang mapungay niya na mata tila may gustong sabihin. And matigas niyang dibdib ay nakapatong sa akin. Hindi ko na maintindihan ang gagawin ko dahil muli niyang dinikit ang kanyang labi sa labi ko.
"Ethan," sambit ko sa pangalan niya.
Hindi niya pinapansin ang tawag ko sa pangalan niya. Binaba niya ang kamay niya sa baywang ko. Ang isip ko ay gustong mag protesta pero ang katawan ko ay gusto ang bawat galaw ng kamay ni Ethan. Siniil niya ako ng halik ng maramdaman niyang kusang gumanti ang labi ko at sinabayan ko ang mapusok niyang halik ay bigla siyang tumigil sa paghalik sa akin.
Inayos niya ang position ko at kinuha niya ang kumot at tinakpan niya ako dahil mukhang napansin niyang sobrang nipis ng suot ko.
"Baka lamigin ka ang lakas pa naman ng temperature ng air conditioner mo. Baka sipunin ka. Next time kung ganito ka lamig ang kwarto mo ay hindi ganyan ang dapat na suotin mo." Para akong bata na sinesermunan niya pakilamero rin pala ito.
Hindi ko siya sinagot sa mga sinabi niya sa akin. Tulad pa rin siya ng dati kahit gaano kaganda o sexy ang suot ko ay may correction talaga na lumalabas sa bibig niya. Pero kung sa iba ay iba't-ibang magandang komento ang pinupuri niya sa iba maliban sa akin.
"Pwede ka ng lumabas ng kwarto ko!" matigas kung utos sa kan'ya.
Tinitigan lang niya ako, ayan na naman ang kanyang tingin. Hindi siya gumalaw sa ibabaw ng kama ko.
"Pwede bang kahit ngayon gabi lang pwede ako dito matulog sa tabi mo," nakikiusap niyan boses.
"Hindi pwede Ethan, hindi ako makatulog na may katabi. Please leave me alone. May pasok pa ako bukas." Sabi ko at hinila ko ang kumot.
Ayaw pa sana niyang gumalaw ay tinalikuran ko siya na nakaupo sa tabi ko. Hindi rin siya namilit at sumang-ayon naman siya sa sinabi ko. Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ang kamay ko. Humingi siya ulit ng sorry tanging tango lang ang ginawa ko. Sa totoo lang nahihiya ako sa kan'ya sa nangyaring halikan namin. Dahan-dahan siyang lumabas sa kwarto ko. Paglabas niya ay taas baba kung hinaplos ang labi kung saan niya akong hinalikan.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Gusto kung pumasok ng maaga sa university. Ayoko rin na makita si Ethan at gusto kung kalimutan ang nangyaring halikan namin kagabi. Pero kahit anong limot ko ay pakiramdam ko ay nakadikit pa rin ang labi ni Ethan sa labi ko.