Chapter 21
Nihan
Five years ago
"Baba, baba! malakas na tawag ni Johalvin kay Can.
"My little boy," masayang binuhat ni Can ang anak kung si Johalvin na apat na taon.
Nandito kami ngayon sa NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT. Limang taon mula ng iniwan ko ang Pilipinas ngayon lang muling naapakan ang aking mahal na bansa.
Hinawakan ni Can ang isa kung he smile at me. Pinapakita niya sa akin na makakaya kung harapin ang limang taon na tinalikuran ko. Limang taon wala akong balita sa taong iniwan ko. Kahit sa mga kaibigan ko ay hindi rin ako nagparamdam sa kanila. Hindi ko alam kung mapapatawad ba ako ng mga taong iniwan ko.
"Ma'am Nihan!" malakas na tawag sa akin ni Basir. Nilingon ko siya na patakbo na lumapit sa akin.
Nang nasa tabi ko na si Basir ay pinalo ko siya sa kanyang braso. Hanggang ngayon ay ma'am, ma'am pa siya sa akin.
"Ikaw talaga Basir, hindi ka pa rin nagbabago. Kumusta ka na?" niyakap ko siya.
"Ayos lang Nihan na miss ka namin mas lalo kang gumanda ngayon."
Tumikhim si Can nagtaka naman si Basir kung sino ang lalaki ang nasa tabi ko na karga-karga ang anak ko. Nang tawagin akong Mama ng anak ko ay nagulat si Basir. Ang kanyang mukha ay parang na talo sa sabong. Tinapik ko ang kanyang noo dahil na estatwa ito na ang mata ay kay Can at Johalvin.
"Hello po," magalang na bati ni Johalvin kay Basir.
"Hi little boy," nakipag-shakehand si Basir sa anak ko alam ko na marami siyang tanong sa akin.
"Can Vargas," pakilala naman ni Can at nag-shakehand silang dalawa.
Maya-maya ay nasa harapan na kami ng black H2 Hummer Limousine. Ito ang sasakyan na ginamit ni Basir na sunduin kami sa airport. Tahimik lang kami ng anak ko na nakaupo sa backseat at sa front seat naman umupo si Can.
Nagtataka si Basir kung bakit magaling magsalita si Can ng tagalog. Nang sabihin ni Can na half Filipino and Turkish siya natawa si Basir hindi kasing halata may dugong pinoy si Can.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang usapan. I'm lil bit nervous sa habang nakatanaw ako sa labas ng bintana. Maraming nagbago sa loob ng limang taon. Hinawakan ko ang anak ko ganito kasi siya kapag inaantok ay gustong-gusto niyang yakapin ang isa kung kamay.
"Mama, I'm so sleepy." Boses pa lang ng anak ko ang naririnig ko ay masaya na ako.
Ilang sandali ay dumating na kami sa mansyon ni Daddy at Mommy. Tanging si Mommy lang ang nakakaalam na darating kami ngayon. Sure ang mga kapatid ko ay nasa University pa ang iba.
Automatic bumukas ang gate gamit ang remote control. Nang e-park ni Basir ang sasakyan ay binuksan ko ang pintuan ng sasakyan. Nang makita ako ni Manong Lucas na may karga-karga akong bata ay katulad din siya ni Basir natulala. Sino ba kasi ang hindi matulala, I was eighteen years old na iniwan ko sila. Tapos ngayon ay bumalik ako na may karga-karga na bata.
"Manong tatayo ka lang ba d'yan? Ayaw mo ba akong e-welcome," sabi ko sa kan'ya.
"Hija," he smiled at me ang mata ay sa anak ko.
"Manong kumusta po kayo?" masayang tanong ko.
"Okay naman kami hija, kaya naman pala maagang umuwi ang Daddy mo dahil ngayon pala ang uwe mo." Nakangiting sabi sa akin ni Manong.
Ilang saglit ay nasa loob na kami ng mansyon ng makita ako ni Mommy at Daddy ay naiyak si Mommy tumakbo ako at niyakap ko siya. Hindi namin napigilan ni Mommy na mag-iyakan kaming dalawa. Naramdaman ko rin na niyakap ako ni Daddy I miss them so much.
Napalingon kaming tatlo ng umiyak si Johalvin na tinawag niya akong umiiyak.
"Mommy," kinuha ko anak ko kay Can.
Mom, Dad ang unang apo n'yo," I said as usual hindi sila makapaniwala sa nakikita nila.
"Lolo, Lolo." Naiyak si Daddy at Mommy ng tawagin sila ng anak ko na apat na taon.
"Anak how come?"
"Later Ma, ipapaliwanag ko ang lahat." Saad ko.
"Kailan pa anak! Last year ay nasa Turkey Istanbul din kami for vacation pero hindi mo nasabi na may anak kana?" pagtataka na tanong ni Mommy sa akin.
"Sorry po Ma, siya nga pala si Can Ma, Dad. Can my parents. Emma and Nathan Jones," pakilala ko sa bawat isa sa kanila.
Maya-maya ay nagsipagdatingan ang mga kapatid ko. Limang taon ko rin silang hindi nayakap tanging sa video call ko lang sila nakita. Hindi rin sila makapaniwala na may anak na ako.
Alam ko si Mommy at Daddy ay marami silang tanong sa akin. Napansin ko rin na may galit si mukha ni Mommy pero napalitan ito ng saya ng kargahin niya ang kanyang apo.
"Mommy, Lola kana," biro ko kay Mommy lahat kami ay nagtatawanan.
"Ouch, Navi!" nagulat ko ng bigla akong kurutin ni Navi sa tagiliran ko.
"Ate siya ba ang ama ng anak mo? Sana all ate ang gwapo ng ama ni Johalvin. Pero si Johalvin hindi niya nakuha ang kulay ng mata ng ama. Infairnes pogi ng pamangkin ko sa'yo." Pa-cute na bulong ni Navi sa akin.
"Mamaya ay nag-uusap tayo namiss ko kayo na mga siblings ko."
"Sure ate, si Kuya Ethan hindi mo ba siya na miss?" bigla akong natahimik sa tanong sa akin ni Natalie.
Hindi ko sinagot ang tanong ni Natalie sa akin. Umakyat ako sa taas kasama ko ang anak ko. Pagpasok ko loob ng kwarto ko ay maraming ala-ala na pumasok sa isip ko. I shook my head.
"Ma'am Nihan saan ko po ilalagay abgt suitcase n'yo po?" tanong ng dalawang babae.
Mukhang mga dalaga pa ito. Both of them smile at me. Lumabas din sila agad sa loob ng kwarto ko.
Pagkatapos kung bihisan ang anak ko ay bumaba kami. Naka-ready na rin ang dinner family namin. Bukas na bukas na rin ang start kung magtrabaho sa kumpanya ni Daddy. Sa Jones hotel ako ina-sign ni Daddy ako ang bagong manager ng hotel na pag-aari ni Daddy.
Biglang pumasok sa isip ko ang lalaking iniwan ko ang lalaking dinurog ko ang kanyang puso. Bigla akong nainis sa sarili ko kung hindi pa sinipa ni Either ang paa ko sa ilalim ng mesa ay dinudurog ko ang lamb fillet na ulam namin.
Napalunok ako at namula ng banggitin ni Daddy sa kabilang linya ang pangalan ni Ethan. Dumadagundong ang dibdib ko sa lakas ng t***k ng puso ko ay pakiramdam ko ay parang mga kabayo itong naghahabulan.
Pagkatapos ng dinner namin ay umuwi rin si Can sa sarili niyang apartment dito sa Makati.
"Baba is going home," paalam ni Can sa anak ko.
"Bye Baba," hinalikan ni Can sa noo si Johalvin.
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Hindi rin akong nakatulog ng maayos kagabi baka naninibago ako sa oras. Naligo ako habang natutulog pa ang anak ko. Excited na rin akong pumasok sa unang araw ng trabaho. Lilipat na rin ako bukas sa sarili kung apartment. Minsan natatawa ako sa sarili ko dahil maaga akong naging ina. Pero hindi ko ito pinagsasabihan dahil the best gift ever sa buhay ko ang anak ko. Maaga man akong naging ina ay nakayanan ko naman ito. Now I know ano ang pakiramdam ng isang ina.
Pagkatapos kung maligo ay pinatuyo ko ang buhok ko at sinuot ko ang mini skirt ko na hanggang tuhod ang haba at white silk long sleeves. As usual light makeup and nude lipstick. Hindi pa rin akong mapalagay sa unang pasok ko. Ipapakilala rin ako ni Papa sa mga empleyado ng kanyang kumpanya. Takot at pinaghalong excited ang nararamdaman ko.