Chapter 13

2009 Words
Chapter 13 Nihan Kinabukasan ay maaga akong nagising hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi. Dahil hindi ako pinatulog ni Ethan sa mga sinabi niya sa akin kahapon. Habang papasok ako ng banyo ay kinukusot ko ang mata ko. Ngayon pa nararamdaman ng mata ko na gusto ko pang matulog pero kailangan kung pumasok ng maaga dahil ito yung last day namin dahil time na ng spring break namin. Binuksan ko ang warm water ng shower ko at naligo ako. Habang naliligo ko ay maraming pumasok sa isip ko ng exciting na gagawin ko sa spring break namin. Pero laging kumukuntra sa isip at diwa ko ang imahe ni Ethan. Umiling-iling ako habang sinasabon ko ang buong katawan ko. Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na rin akong maligo. Lumabas ako ng banyo na suot ko ang white robe ko. Pinatuyo ko na rin ang buhok ko at binuksan ko ang closet ko kumuha ang ng maisuot ko. Pagkatapos kung ayusin ang sarili ko ay biglang tumunog ang interphone sa entrance ng living room ko. Tumakbo ako at sinagot ko ito baka may kailangan ang security guard or ang mentainance ng building ng na ito. "Hello," sagot ko sa interphone. "Good morning ma'am Nihan, ang driver n'yo po ay gusto n'yo po kayong makausap," sabi ng lalaking receptionist ng apartment na'to. "Sige po," mahinahon na sabi ko. "Hija si manong Lucas mo ito. Inutusan ako ni Sir Ethan na ihahatid ko sa inyo ang sasakyan n'yo. Ano po ang gusto n'yo ma'am ihahatid ko kayo sa University o ikaw ang magmamaneho?" tanong ni Manong Lucas sa akin. "Po, bakit na saan po si Ethan Manong?" tanong ko. "Maaga siyang umalis hija may business trip sila ng Daddy mo sa Cebu," sagot ni Manong sa akin. Sinabihan ko rin siya naiwan na lang niya ang susi ng sasakyan ko sa reception. Pagkatapos namin mag-usap ni Manong ay gumawa ako ng sandwich breakfast ko. Habang kumakain ako ay si Ethan ang nasa isip ko. Pakiramdam ko ay ang bilis mag-iba ng body hormone ko. Tinawag ko si Mommy na mamayang gabi ay sa mansyon ako uuwi. As usual happy si Mommy dahil gusto niya lagi niya akong kasama sa mansyon kasama ang mga makukulit na mga kapatid ko. Ilang sandali ay nasa University na ako. Si Dexter at Pamela agad ang nabungaran ng mga mata ko na nakatayo sa harap ng gate. Na-curious tuloy ako minsan kay Dexter. Usually si Veronica lagi ang kasama niya pero ngayon nasa amin na siya lagi. Gusto ko man siyang tanungin ay nahihiya ako baka ang isipin ay chismosa ako. Huwag naman sana niyang malaman na crush ko siya kung hindi ay mas lalo akong tuluyan ng nasa kabilang planeta. "Kanina ka pa namin hinihintay. Wala tayong pasok sa first subject natin." Pamela said. "Wow! How did you know?" I asked her. "May sakit Mr. Sungit," saad ni Pamela. Papasok na sana ako ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko. Kinuha ko at sinabihan ko sila Pamela na mauna sila at susunod na lang ako sa kanila. Isang miss call galing kay Ethan. Nang makita ko ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko ay iba ang dating niya sa akin. Hindi naman ako ganito sa kan'ya dati ay parang normal lang ang pintig ng puso ko. Pero ngayon ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko tila may mga sampung kabayo na hinahabol ako. Akala ko ay tatawagan niya ako ulit expected ko pa naman na tatawag pero hindi e, I smirk. Tinawag ako ni Pamela kasi hindi ko na namalayan na kanina na pala ako nakatayo. Nilibang ko na lang ang sarili ko. Ewan ko ba parang gusto kung kausapin si Ethan. Pakiramdam ko nagtampo siya sa akin. Dahil wala akong sagot sa pagtapat niya sa akin. Ang bilis naman kasi ng pangyayari hindi naman siguro na agad-agad na may isasagot na agad ako sa kan'ya. Kung may mahal niya ako ay dapat may lambing at ligawan din. "Ano kaya kung manood tayo ng sine," suggest ni Sashie. Tumayo naman si Dexter kasama ang iba niyang kaibigan. Lahat sila nag-deal sa sinabi ni Sashie. "Nihan kasama ka ba namin? Mukhang nasa ibang mundo ka na naman," sabay siko ni Pamela sa akin. Ngumiti ako sa kanila at sumang-ayon. Kahit na naglalaro ang nasa isip ko ay naririnig ko naman ang kanilang usapan. Dahil wala rin kaming pasok sa last subject namin ay may time kaming manood ng sine. Kanya-kanya kaming nag-drive ng sasakyan namin. Sa Asia of Mall kami pumunta siksikan ang mga tao sa mall. Nang lapitan namin ang ang pinagkaguluhan ng mga tao ay muntik na akong napasigaw dahil si Heart Evangelista at Anne Curtis ang nasa stage mg mall. Heart is one of my favorite fashionista showbiz. Hinanap ng mga mata ko sila Pamela pero hindi ko sila makita sa dami ng tao. Nasagip din ng mata ko si Dexter, nagulat ako dahil si Veronica na ang kanyang kasama. Ngumiti lang ako ng makita ko silang dalawa dati ay kapag kasama ni Dexter si Veronica ang naiinis ako ang nagdadabog mag-isa. But now I'm surprised I changed. Para wala na sa akin ang lahat. Hindi ko rin ma-dial ang number ni Pamela dahil halos hindi ko na maigalaw ang paa katawan ko sa dami ng mga tao. Nabigla ako ng may isang malaking kamay ang hinatak ang kamay ko palayo sa mga taong siksikan. Nang makita kung sino ay napaawang ang labi ko at lumaki ang mata ko sa nakikita ko. "Ethan," sambit ko sa kanyang pangalan. Dinala niya ako sa second floor kung saan ang cinema. Ang kanyang kamay ay hindi pa rin niya inaalis sa aking kamay. "Gusto mong manood ng sine?" tanong niya sa akin. Biglang kumunot ang noo sa tanong niya sa akin. Paano nalaman ni Ethan na ang pakay ko dito ay manuod kami ng cinema? Bakit nandito siya sa mall? Akala ko ba ay nasa Cebu siya kasama si Daddy. Nakatitig siya sa akin. Hinihintay niya ang sagot ko. Kung nakakatunaw ang mga titig niya sa akin ay kanina pa ako naging tubig sa kinatatayuan ko. Nagkibit-balikat siya ang kanyang tindig ay parang isang Hollywood star na model. Bagay na bagay sa kan'ya ang kanyang suot. Halos mata ng mga tao ay kay Ethan nakatingin sa kan'ya. Parang wala lang kay Ethan ang mga babae na nagpapansin sa kan'ya. Tumikhim ako at sinabihan ko na ok sa akin ang manood ng sine. Tinanong niya ako kung ano gusto kong panoorin. Romance movie ang binili niyang ticket. Pumila rin siya para bumili siya ng nacho cheese and popcorn. Habang hinihintay ko siya ay tumunog ang cellphone ko. Isang message mula kay Pamela na nasa bahay na raw siya may family problem daw sila. Masayang nakangiting lumapit si Ethan sa akin na bitbit niya ang snack na binili niya para sa amin. "Ethan, long time no see," narinig kung sambit ng isang babaeng matangkad at parang isa rin model. Sa kanyang itsura ay alagang-alaga ang kanyang pangangatawan. Tumaas ang isang kilay ko ng hawakan niya sa braso si Ethan. Sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay pakiramdam ko ay nanginginig ang tuhod ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili kung nagseselos ako. Nakita ko na ngitian siya ni Etha. Nagseselos ba ako? Bakit naman ako magselos wala naman naman namamagitan sa amin ni Ethan. Iba na ang nararamdaman ko. Bakit kung ngumiti si Ethan sa babaeng palito na ito ay kakaiba ang nasa isip ko. Parang gusto ko silang tajakan na dalawa. Inagaw ko bigla kay Ethan ang popcorn at bottle of water. Nagulat silang dalawa sa ginawa ko. Malaking hakbang kung silang iniwan. Pinunit ko rin ang ticket na hawak ko Patakbo akong bumaba at narinig ko na tinatawag ni Ethan ang pangalan ko at hindi ko siya nilingon. Lumabas ako ng mall at diretso ako kung saan ko pinarking ang sasakyan ko. Nang may pulubing batang babaeng lumapit sa akin ay binigay ko ang hawak ko na popcorn. "Bakit po kayo umiiyak ate ganda?" tanong ng bata sa akin. I smile at her. "Hindi ako umiiyak na puwing lang ako," I said. Nginitian ako ng bata nagpasalamat siya akin. Ibibigay daw niya ang binigay ko na popcorn sa kanyang Nanay na may sakit at may makain na raw silang dalawa. Nang sabihin ng bata sa akin na may makain na sila ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak. Binuksan ko ang bag ko at kumuha ako ng limang libong pesos at binigay ko sa kan'ya at bilhan niya ng gamot ang Nanay niyang may sakit. Bigla niyakap ng bata ang baywang ko. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala si Ethan sa harapan namin. Tinitigan niya ang batang nakayakap sa baywang ko. Inangat ng bata ang kanyang mukha. "Kayo po ba ang nagpaiyak kay ate ganda? Alam niyo po hindi po dapat pinapaiyak ang mga babae sabi ni Papa. Dapat po ay minamahal po kahit gaano po kahirap ang sitwasyon ng buhay." Nagkatinginan kami ni Ethan sa sinabi ng batang babae. Kinuha niya ang kamay ni Ethan at pinaggawak kami nito. "Hindi ko siya pinaiyak," saad ni Ethan ang mata niya ay sa akin nakatuon. Bang mapansin ng bata na nag-titigan kami ni Ethan ay she clap her both hands. at tuluyan na kaming iniwan ng batang babae. Hindi ko rin na tanong sa kan'ya ano ang kanyang pangalan. Pinunasan ni Ethan ang luha ko sa mata ko. "Ako ba ang iniiyakan mo?" nakangiting tanong ni Ethan sa akin. "Bakit naman kita iiyakan," sagot ko at inapakan ko ang kanyang paa. "Nihan na pangit, bakit ba ang hilig mong apakan ang paa ko," he said. "Isa pa hindi ako pangit Ethan. Narinig mo naman ano ang sinabi ng bata sa akin at hindi ka bingi. Ang pangit ang babae na kasama mo kung magkadikit sa'yo parang tuko, sa bagay tuko naman siya. Pakisabi sa kan'ya kumain ng healthy food." Tumawa lang si Ethan sa pinagsasabi ko. "Are you jealous of her? Ano naman ang kinalaman niya sa atin?" tanong ni Ethan sa akin. Ilang segundo ay pumasok ako sa loob ng sasakyan ko. Hindi rin ang nagsalita pa dahil alam ko na maraming palusot si Ethan. E, matalinong abogado pa naman ang kurimaw na ito. Nakita kung pumasok din siya sa loob ng sasakyan ko. Ngumiti siya sa akin. Nilingon ko siya, ibubuka sana niya ang kanyang bibig parang may sasabihin ay hindi niya na ituloy. "Sorry," he's calm voice. Tumango lang ako at hindi ko siya nilingon. Dahan-dahan kung pinaandar ang manibela ng sasakyan ko. "I thought magkasama kayo ni Daddy?" tanong ko. Nararamdaman ko kung paano siya bumuntong hininga. "Do you like him?" nabigla ako sa tanong niya while I am driving. "Who?" tanong ko at hindi niya ako sinagot. Napansin kung seryoso ang mga matang nakatingin sa akin. "I'm going back to New York the next day. I have an emergency client na ako hahawakan na kaso." Pakiramdam ko na na naninigas ang katawan ko at gustong umiyak ng puso ko. "Wow! That's good isa iyan sa mga pangarap mo at malaking opportunity sa para sarili mo," isang pekeng nginitian ko siya. "I'm so lucky, napaka-supportive ng sweety ko." Malumay niyang sabi sa akin. "Huwag kang mag-jowa kapag wala ako. Please." Tiningnan ko lang siya. "Ang drama mo Ethan, dapat hindi ganyan ang galawan ng isang abogado." Sabi ko at tumigil ako sa pagmamaneho ng sasakyan. Hinawakan niya ang kamay ko. Nang hawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ito. Sa titigan naming dalawa ay gusto kung ay tumigil muna ang oras sa amin. Ang kanyang malalim na mata ay hindi na kumurap sa akin. Bakit siya yung biglang pumasok sa puso ko. Siya ang gustong tawagin nito. Wala naman lumalabas sa kanyang bibig. Dinikit niya bigla ang kanyang mukha sa mukha ko. Walang kahit anong salita na lumalabas sa kanyang bibig. "I think isa kang dakilang torpe Mr. Ethan Santos," mahinang bulong ko sa kanyang punong-tenga. "What!?" gulat niyang tanong sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD