Chapter 26
Ethan
"Pamela, I have to go." Sabi ko dahil hinarangan niya ako. Tulad pa rin siya ngdl dati, she want to control my life for nothing. Dahil ginagamit niya ang anak namin.
"Ethan, pupuntahan mo ba ang babaeng sinaktan ka, minaliit ka?! Leave her alone dahil may sarili kanang pamilya. Bakit hanggang ngayon ay…" hindi natuloy ni Pamela ang sasabihin dahil umiiyak ang anak namin sa kabilang kwarto.
"Because this is what I want!" madiin na sabi ko sa kan'ya.
Tinalikuran ko siya at pinuntahan ko ang anak ko na si Paris. Pumasok ako sa loob ng kwarto ng anak ko ng makita ko ng anak ako ay tumigil umiyak. Kinuha ko siya sa kanyang higaan at nilalaro ko muna siya bago ang umalis ng bahay.
Ilang minutes din kami naglaro hanggang sa nakatulog siya. Pinahiga ko ang anak ko at dahan-dahan akong lumabas ng kanyang silid. Pagbaba ko ay sinabihan ko ang nanny ng anak ko na natutulog si Paris sa taas.
Tiningnan ko ang phone ko pagbukas ko ng inbox ko ay may tatlong messages na ang dumating from Brian, Cris and Mr. Villar. Una kung binuksan ay kay Mr. Villar.
Nang mabasa ko ang send niya na address ni Nihan kung saan siya nakatira at nasa mall sila ngayon ng kanyang sa MOA. Kinuha ko ang black leather jacket ko sa kabinet sa corner ng na malapit sa entrance.
"Where are you going? Siya ba ang pupuntahan mo? Come on, Ethan soon as possible ay ikakasal na tayo. Don't dare me Ethan kung ayaw mong ilalayo ko sa'yo ang anak mo!" galit na pagkasabi ni Pamela sa akin.
"Hindi-hinding mo iyan magagawa Pamela. Married? Hindi yan mangyayari sa atin!" ma-awtoridad kung sabi.
Palabas pa lang ako ay hinawakan ni Pamela ang isa kung braso. She cry, napalunok ako.
"Please, Pamela alam ko kung anong meron sating dalawa." Mahinahon kung sabi na lalo siyang umiyak.
Kinalas ko ang kanyang kamay sa braso ko. Tinawag ko si Manang Grace para tulungan si Pamela baka ano naman ang gawin niya sa kanyang sarili.
Lumabas ako ng mansyon at sumakay kaagad ko sa aking beige jaguar na sasakyan ko. Mabilis kung pinaandar ang manibela ng sasakyan ko hanggang sa dumating ako sa mall kung saan ngayon si Nihan at ng kanyang anak.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit ko siya ngayon sinusundan. I know he broke my heart piece by piece. Pero heto ako ngayon na hinahabol siya. Ang pinag-tatakahan ko ay mula ng nakipaghiwalay siya sa akin ay hindi na siya umuwi ng Pilipinas. Kahit si Daddy ay tanging sa video call lang nila nakakausap si Nihan at mahirap din ma trace ang kanyang location.
Limang private investigator ang kinuha ko ay useless lang dahil hindi nila mahanap si Nihan. Late din nila nalaman na nandito na pala si Nihan at isa rin akong tanga na wala akong kaalam-alam na may anak na siya.
Hindi ako mapalagay kung ano ang nangyari sa limang taon. Kahit na sobra niya akong nasaktan ay gusto ko pa rin alamin. Dahil traydor ang puso na'tin. My phone rang.
"Hello Brian, we will talk later," I said and I hang-up immediately the call.
Hinanap ko siya sa playground ilang minuto ko rin siya hinanap. Nang makita ko siyang binabatayan niyang naglalaro ang batang lalaki na nasa apat na taong gulang ay na estatwa ako sa kinatatayuan. Hindi ko maintindihan ang sarili kapag nakikita ang bata ay gusto kong yakapin.
Nagtago ako habang pinagmamasdan ko si Nihan na tahimik na nakatayo ang kanyang mata ay sa bata. Everytime na lumalapit sa kan'ya ang bata ay nagha-high five silang dalawa. Close nila sa isa't-isa, but sino ang ama ng bata.
"Oh sh*t! Dexter?" ilang beses akong napamura.
Why Tita Emma and Dad, bakit hindi nila sinabi sa akin na may anak si Nihan? Sa bagay ay nakiusap din ako kila Daddy na huwag din sabihin ang tungkol sa amin ni Pamela.
Five years ago na ngayon lang tumibok ang puso ko ng ganito kalakas. I smile ng makita ko na nakangiti si Nihan banda sa kinatatayuan ko. She saw me. Limang taon ngayon ko lang nasilayan ang ngiting hindi nabubura sa paningin ko hanggang ngayon.
Umigting ang panga ko na sa ibang lalaki pala ang nginitian ni Nihan. I clenched both of my hands. Hindi ko matanggap na sa ibang lalaking ngumingiti si Nihan. Mas kumunot ang noo ko ng makita kung patakbo na lumapit ang bata sa lalaki at mabilis na sinalubong ng lalaki at binuhat niya ang bata.
Para silang isang pamilya. I want to punch that bastard ng hawakan niya ang braso ni Nihan. Lumabas sila na tatlo sa playroom.
Sinundan ko sila kung saan sila pupunta. Hindi ako nagpahalata sa kanila na sinusundan ko sila. Ilang beses din tumunog ang phone ko ay hindi ko ito sinasagot hanggang sa sinagot ko rin.
"Hey, dude why didn't you answer our call. Cris now he has a big problem. Iniwan siya ng kanyang asawa." Na tahimik ako sa sinabi ni Brian. Nararamdaman ko kung ano ang feeling ng iniwan. Masakit mapait nakakabaliw lalo na sobrang mahal na'tin ang ng iwan satin.
"Alright in an hour I will be there," I said.
Hindi ko namalayan ang sarili ko na nabangga ko ang lalaki na nakahawak kamay sa batang kanina ko pang pinagmamasdan sa malayo. Akala ng bata ay sinasaktan ko ang lalaki na pinag-iigtingan ng panga ko.
Tumayo ng tuwid ang bata at tila isang makisig na binata ang kanyang galawan. Kinuyom niya ang kanyang kamay at tinaas niya ito. Hinahamon ako sa suntukan. He is so cute and adorable, napangiti ako sa kilos ng bata.
"What's funny, I am a good protector of my Baba and Mommy. Bakit mo tinulak si Baba?" tinaas ko ang dalawang kamay ko bilang pag-surrender sa kan'ya.
"Anak, that's bad. Say sorry to him," tila natutuyo ang lalamunan ko ng marinig ko ang mahinang utos ni Nihan sa kanyang anak.
Ang mata niyang malungkot ay sa akin nakatingin. Nilapitan siya ng lalaki at hinawakan ang kamay ni Nihan.
"Sorry po," nakayukong sabi ng bata sa akin.
Hahawakan ko sana siya ay bigla siyang lumayo sa akin. Nagtago siya sa likod ni Nihan. Ibang-ibang ang nararamdaman ko sa bata gusto ko siyang yakapin at kausapin pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay natutuyo ang lalamunan ko.
"Shall we go Baba and Mommy," sabi ng bata.
"Pasensya na sa inasta ng anak ko," excuse ni Nihan sa akin.
"It's okay," sagot ko.
"By the way Ethan, Can Vargas my…" hindi natuloy ni Nihan ang sasabihin dahil nagsalita kaagad ako.
"Nice to meet," I said.
"You too, " he said.
"My son Johalvin," pakilala niya sa kanyang anak sa akin.
Nang ilahad ko ang aking kamay ay hindi nakipag kamay sa akin ang bata. Hinila niya ang kamay ni Nihan para umuwi na sila. Para akong latuan ng iwan nila ako.
Hanggang lumabas sila ng mall ang mata ko ay sa kanila. Nang hindi ko na sila nakita ay tinawagan ko ang isa mga private investigator ko.
NIHAN
"Ma'am aalis na po ba kayo? Nakahanda na po ang gamit n'yo ni Johalvin." Sabi sa akin ni Yolly.
Tinawagan kasi ako ni Mommy na namiss niya kami ng kanyang apo. Gusto niya doon kami matulog sa kanilang mansyon hindi ako tumanggi sa gusto ni Mommy. Na miss ko rin siyang ka-chikahan si Mommy.
Ilang sandali ay nasa opisina na ako. Pasakay palang ako ng elevator ay nakasabay ko si Tita Kesha parang hindi kumukupas ang kanyang beauty kaya si Tito Rex ay patay na patay parin siya kay Tita. Like my father.
"Good morning Tita," magalang na pagbati ko sa kan'ya.
"Long time no see. Nasabi nga sa akin ng Mommy mo nandito kana. Alam mo ba muntik ng bumalik ang sakit ni Ethan Ethan mula ng umalis ka." Tinakpan agad ni Tita Kesha ang kanyang bibig.
"Po?!" gulat kung na tanong ko.
"Nevermind Nihan, na I know na may anak ka rin pala?" tanong ni Tita Kesha sa'kin.
Nagpaalam si Tita Kesha sa akin ng bumukas ang elevator. Hinalikan niya ako sa aking pisngi. Naguguluhan ako sa sinabi ni Tita sa akin ako ang dahilan kung totoong muntik na bumalik ang sakit ni Ethan na speech disorder. Naawa tuloy ako sa kan'ya at higit sa lahat sinisisi ko ang aking sarili.
Nakita ko si Sonia akala ko ay siya sekretarya ni Daddy sariling sekretarya pala siya ni Ethan.
"Sonia," nilingon niya agad ako.
"Good morning ma'am," she said.
"Good morning too, para ba ito ang kape kay Ethan?" tanong ko.
"Opo ma'am," I smile at her.
Kinuha ko sa kamay niya ang kape. Sinabihan ko siya na ako na ang maghahatid kay Ethan. Sumang-ayon naman si Sonia sa kagustuhan kahit alam ko nahihiya siya. Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan.
"Come in," dahan-dahan kung binuksan ang pintuan ng kanyang opisina.
Hawak-hawak ko ang kape niya nasa maliit na tray. Akala niya si Sonia ako dahil hindi niya inangat ang kanyang mukha dahil busy siya sa mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa.
"Thank you Sonia," he said.
"Good morning Ethan," natigil ang kanyang kamay sa ginagawa ng marinig niya ang boses ko.
Dahan-dahan niya itong inangat na tila nag-slow motion ng magtama ang mata naming dalawa. He took a deep breath at sinandal niya ang kanyang likod sa swivel chair niya mata niya pa rin ay sa akin.
Tiningnan niya ang hawak ko na tray na until now ay wala pa rin siyang imik sa akin. Hindi ko alam kung balak ba siya napansin ako.
"Dinalhan kita ng kape, I mean instead of Sonia ang maghatid ako nag-prisinta na ihatid sa'yo."
Nilalaro niya ang hawak na black pen. Hindi siya si Ethan na para akong isang baso crystal na iniingatan niya na mabasaga.
"I have my own secretary, " tipid na sagot niya sa akin.
Nakita kung dinayal niya ang telephone na sa bandang kanang kamay niya.
"Sonia, please can you come to my office," he said.
Palinga-linga ako pakiramdam ko ay parang wala lang ako sa kanyang harapan. Pinipigilan ko ang luha ko na hindi pumatak. I miss him so much, I miss him smiling and laughing. Ayokong lalong maghina sa kanyang harapan. I dammit I'm still in love with him. He's the father of my son. I'm still scared to tell him the truth baka kunin niya sa'kin ang anak ko.
Nilingon ko si Sonia na nahihiyang lumapit sa amin na hanggang ngayon ay nakatayo parin ako na hawak-hawak ang tray. Yumuko ako at nahiya ako kay Sonia na may pagtataka sa kanyang mukha.
"How many I told, na pinaka-ayaw sa kape ay malamig at sobra sa asukal!" madiin niya sabi kay Sonia.
"But sir… " nauutal si Sonia.
Nanginginig ang kamay niya ng kunin niya sa akin ang tray I smile at her para hindi siya lalong in kabahan. Lumabas siya ng opisina paglabas niya ay sinarado niya ang pintuan.
"Kung may galit ka sa akin. Huwag mong idamay ang ibang tao, stop at yelling at her. Hindi mo pa nga natikman ang kape paano mo nasabi na ganun ang lasa." Matapang na sabi ko.
Ang mapungay niyang mata ay nakapako sa akin. Tila sasabog ang puso ko sa lakas ng kabog nito.
"Leave me alone!" he said.
Kitang-kita ko kung paano umigting ang kanyang panga at sunud-sunod na tumaas baba ang kanyang adams apple. He sighed parang may kahulugan iyon.
"Do you love her?" mahinang tanong ko pati ako ay nagulat sa lumabas sa bibig ko.
Naghihintay ako ng sagot mula sa kan'ya. Dapat na handa ako sa isasagot niya sa tanong ko. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko ang mata ko ay sa kan'y. Bumaba ang mata niya sa labi ko. I bit the lower part of my lips. Pagkatapos niyang pagmasdan ang labi ko ay inangat niya ang kanyang mukha hindi ko maipinta ang awra ng kanyang mukha. Para itong arabo tingnan sa kanyang beard na without mustache. He looks more matured pero ang lakas pa rin ng kanyang karisma.
"Yes, I love her. I love her so much," naninikip ang dibdib ko sa sagot niya sa akin. Nagsisi ako bakit ko pa siya tinanong kung ang sagot niya ay nagbibigay sugat sa puso kung tahimik na umiiyak.
Tinalikuran niya ako. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa aking puso. Pakiramdam ko para akong laruan na iniwan bumalik sa isip ko ang past namin, kung paano ko siya iniwan. Sinarado niya ang pintuan at tuluyan niya akong iniwan sa loob ng kanyang opisina.
Parang ulan na malakas na bumuhos ang aking luha. Hindi parin nawala sa aking tenga ang sinabi niya sa akin. I Love her, I Love her so much. Parang dinurog ang puso ko na sa mismong taong mahal ko na maririnig ang katagang iyun.