Chapter 64 Nihan Ilang minuto na lang ay isa na akong Mrs. Santos. Ang bilis ng panahon dati-rati ay ako ang batang laging pinapaiyak ni Ethan ngayon ay maging asawa na niya ako. Age doesn't matter matanda si Ethan sa akin ng 9 years. Tama nga ang kasabihan na mas masarap magmahal ang malayo ang agwat ng edad ng lalaki. Wala akong masabi kay Ethan dahil kung sa pagmamahal lang niya sa akin ay umaapaw na sobra-sobra pa sa nasa isip ko. Nasaktan ko siya, pero never siya nagtanim ng galit sa akin. Kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kakulitan ko ay parang wala lang sa kanya. Lahat ay nakatingin sa akin dito sa loob ng kwarto ko. Lumapit si Daddy sa akin may hawak na small diamond and pearls tiara. Ang gwapo parin ni Daddy napansin ko na namumula ang kanyang mga mata. "D

