Kung awkward at tahimik yung hapunan kagabi, lalo na ngayon. Ganun pa rin naman yung seating arrangement namin. Katabi ko si Cosmo habang nakaupo naman sa harap namin sina Zyan at Finn. Nasa tapat ko lang nakaupo si Zyan kaya feel na feel ko yung mga mapanuri niyang mata. Naramdaman siguro ni Finn yung tension kaya tumikhim siya. “Aherm,” kuha ng pansin sa amin kaya agad kaming napatingin sa kanya. “Anong nangyari? Bakit ramdam ko yung awkwardness?” Nagkatinginan kami ni Zyan pero agad siyang nag-iwas ng tingin. Nilingon ko naman si Cosmo sa tabi ko na abot tenga yung ngiti. Naguguluhan ko siyang tiningnan. “Ano?” tanong ko dito. “Why were you silent?” taas-baba yung kilay niyang tanong. “We’re you thinking of me the whole night?” Kumunot yung noo ko. “Why would I think of you

