“Britta baby~” Cosmo called in a sing-song tone. Agad ko siyang nilingon at pinatahimik. Inilagay ko sa tapat ng labi ko yung hintuturo ko. Mukhang nakuha niya naman yung gusto kong iparating kaya tumango siya bilang sagot. He silently walked towards me at pareho kaming nakatago. “Why are we hiding?” bulong ni Cosmo sa akin. “Shh,” I hushed him. “Mukhang may marereject ngayon,” mahina kong hagik-ik. Do I really hate Nova that much that her sadness is my happiness? Ghad! Am I becoming a bad person now? “Sino?” he whispered back. Itinuro ko sa kanya kung saan nakatayo ang dalawa habang seryosong nag-uusap. Mukhang sabik na sabik din si Cosmo sa susunod na mangyayari kasi yung ngiti niya abot tenga. I’m not the only one. “Y-You like someone else?” Nova stuttere

