Maaga akong gumising, dahil kailangan ko makausap si Lewis. Naligo muna ako, pagkatapos ko nagbihis lumabas na ako ng kuwarto.Pumunta ako sa kusina at naabutan ko sila Aling Sonya at Mang Carlo na nagluluto. "Good morning po"-bungad ko sa dalawang matanda. "Magandang umaga din sa iyo Ma'am Jenny"- Ngumiti lang ako sa kanila.Tinimplahan ako ni Aling Sonya ng kape. "Mang Carlo,Aling Sonya,ililipat ko muna kayo sa safe house,dahil kagabi may umaaligid sa pinto ng unit ko"- Nakita ko ang takot sa mukha ng mag asawa. "Huwag po kayo mag alala,kapag nakulong na si Mayor,maging okay na ang lahat," "Maraming salamat hija, ikaw lang ang may lakas ng loob para hulihin si Mayor,"ani ni Aling Sonya. "Trabaho ko po ito"-tinapos ko ang pag kape at tumayo. "Aalis na po ako,may pupunta po dito pa

