EPISODE 9: BLESSING

1983 Words
  Hindi naman naging masilan ang pagbubuntis ni Natalia kahit ang paglilihi nito ay wala siyang maging problema..Ni hindi nga niya namalayan na buntis siya.. Tanggap niya ang bunga ng isang karahasan..At hindi niya inisip o sumagi man lang sa isip niya na ipalaglag ang pinagbubuntis..  Natalia's pov      Halata na ang umbok ng tiyan ko.Kailangan ko nang bumili ng damit na mas maluwag para komportable ako at si baby. Sasamahan naman ako ni Kuya Mat sa monthly prenatal check up ko ngayon.kaya yayain ko siyang samahan ako mamili pagkatapos.    "Ready ka na Nat?   "Oo Kuya....kuya pwede mo ba ako samahan? Bibili sana ako ng mga damit na maluwang..Lumalaki na kasi ang tiyan ko at masikip na din ang mga damit ko.."    "Oo naman..pagkatapos ng check up mo punta tayo ng mall..Wala naman akong meetings today"   "Salamat Kuya!" At bigla ko siyang niyakap.." Sobrang bait talaga ng Kuya ko."     Nasa loob kami ng clinic ni Dra Bermudez..Siya ang napiling OB gyne ni Kuya..Kilala kasi daw sya ng boss niya kaya siya ang inirekomenda at magaling daw ito na ob gyne. Inultrasound ako ni Dra Bermudez at kitang kita ang ang baby sa loob..Malaki na siya.. Pinalibot libot ni Dok ang aparato na nilagyan niya ng gel sa may tiyan ko.." Malusog naman ang anak mo..and by this time ay malalaman na natin ang kasarian niya.."  Napahawak ako sa kamay ni Kuya na kasalukuyang nasa tabi ko.. Excited ako sa SA magiging kasarian ng anak ko.. I wish na lalaki..Gusto ko maging katulad niya sina Kuya Mat at Kuya Cain.   " O ayan na..nakikita mo ba yan hija?" Nakangiting sabj ni Dra Bermudez.." Its a baby boy!"   Napangiti ako at natuwa sa sinabi ni doktora.. At least makakapag isip na ako ng ipapangalan sa anak ko... Biglang sumagi sa isip ko si Lukas.. Kamusta na kaya siya..pagkatapos ng graduation party namin ay hindi ko na rin siya nakita.. Lukas..Lukas ang ipapangalan ko sa baby ko.. Napangiti ako sa naisip ko. Kinilig tuloy ako sa isiping yun.. Ipapangalan ko ang baby ko sa taong unang minah ko.. Pero alam ko naman ni minsan ay hindj man lang ako gusto.. At ngayon na may anak na ako paniguradong hinding hindi niya ako gugustuhin.. Pero ok lang yun kay baby Lukas ko nalang itutuon lahat ng pagmamahal na itinuon ko sa kanya noon.. Ang bagong Lukas na mamahalin ko at seguradong mahal ko..ang baby Lukas ko..Lukas Matt Cain Rodriguez!     " Congratulations sa baby boy mo hija... At ang lusog lusog niya.."    " Salamat po Doc!"     "Ito pala ang mga resita mo..patuloy mo lng inumin yang mga vitamins mo saka dinagdagan ko na din yang vitamins mo para naman yan para dumami ang breast milk mo..Mas mainam kasi ang gatasng ina para da mga sanggol para hindi sila sakitin.."  Pagpatuloy no Doc Bermudez..      Pagkatapos ng check up ay  Lumabas na kami ni Kuya Mat sa clinic..Sobrang saya ko sa resulta ng ultrasound ko ngayon..At excited na ako dahil tatlong buwan na lang ay lalabas na si Baby Lukas..     " Kuya pwede ko din bang bilhan na din si baby Lukas ng mga gamit niya?"   "Oo naman Nat..para sayo at kay baby....? Lukas?" Takang tanong ni Kuya    " Oo kuya..Lukas Mat Cain Rodriguez..." Nakangiti kong sabi sa kanya sabay hawak ng dalawa kong kamay sa kanang bisig niya.     "Abah at kapangalan pa talaga namin ha?!"    " Syempre Kuya kayo kaya ni Kuya ang the best Kuya in the world"..    " Naku bola!"     " Hindi no..totoo kaya..kayo ni kuya Cain ang importanteng lalaki sa buhay ko at pati si baby Lukas"  sabay hawak ko sa baby bump ko.   " Oo na..halika ka na..!"     Dumiretso na kami ni Kuya sa mall.. Pagdating sa mall ay dumiretso na kami sa basement ng mall kunh saan ang parking area.. Madami dami na ang mga kotseng naandun.. Andami na segurong mga tao sa loob ngayon.. Friday pa lang naman ngayon.. Pagkahinto ay aakma na akong bubuksan ng pinto ng may napansin akong lalaking bumaba ng kotse sa di kalayuan sa amin. May kamukha ito.. Mas matangkad lang ito ng bahagya..at may kalakihan ng katawan..Naka tshirt lang ito ng puti at nakamaong na pantalon...May suot na shades eh madilim naman dito sa loob ng parking area.. Napaisip ako kung sino ang kamukha niya..Oo hindi ako nagkakamali..Si Lukas? O baka ang Kuya niya..Kamukha kasi sila ng Kuya niya at mas matangkad iyon sa kanya... Nasambit kasi sakin nuon ni Raine na umalis ng bansa si Lukas after ng graduation party namin.. Malabong si Lukas..baka ang Kuya niya...My narinig akong katok...   "  Nat lets go...hoy..!" Si Kuya pala.kanina pa ako tinatawag at kinakatok ang glass ng pinto ng kotse.   " Ah ok bababa nako"   Pagkababa ko ay inalalayan muna ako ni Kuya. Lumingon ako banda sa lalaking inaakala konh si Lukas.. Nakatingin din ito sa direksyon namin kaya bigla akong nagyuko at yumakap sa mga braso ni Kuya.  Pumasok na kamk ng mall at hindi ko na nilingon ang lalaki.   Lukas Pov        Huling araw ko dito sa Pilipinas mula ng bumalik ako galing germany. Umuwi lang naman ako dahil personal kung binisita ang construction ng bagong branch ng kumpanya.. Niyaya kasi ako ng kaibigan ko kaya pinagbigyan ko na total ay babalik naman na ako ng Germany bukas.    Pagkababa ko ng kotse at isasara na sana ang pinto ng may mapansin akong babae sa unahan ko.. Oo hindi ako nagkakamali..Hindi ko malimutan ang mukha niya... Si Natalia!.. Bumilog at medyu lumaki ang katawan nito.. Buntis si Natalia? Nakita ko ang malaking umbok ng tyan niya dahil tumagilid ito habang yumakap sa braso ng lalaking kasama... Hindj ko maipikit ang mga mata..Oo si Natalia ang nasa harapan ko...May asawa na ba siya..At ang lalaking kasama ang ama ng pinagbubuntis niya?.. Biglang kumirot ang puso ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko...Hindi ko alam ang mararamdaman ko..Ang babaeng hindi mawala sa isip ko ay nasa harapan ko pero iba ang kasama... Nalilito ako sa nararamdaman ko.. Ansakit sakit makita na may kasama siyang iba.   Biglang tumiunog ang cellphone ko..Dinukot ko iyun sa aking bulsa..pero hindi ko pa din maihiwalay ang paningin ko sa papalatung si Natalia.   " hello!?"    "Ow...pre galit ka ba?" Sabi ng nasa kabilang linya.. Si Adrian pala ang tumawag     " Sorry...nasan na kayo?" Napakamot ako sa ulo ko..at tuluyan na ding lumaho si Natalia sa harapan ko. " Ok sige..andito na akO sa parking area.." At tinapos ko kaagad ang tawag at binalik ang phone sa bulsa ko.   Pumasok na din ako sa loob ng mall at dumiretso sa starbucks kung saan naghihintay si Adrian..Pagkapasok ko sa Starbucks ay kumaway agad si Adrian..Kasama niya sina Paul at Marvi. Mga kaklase ko sila at  kaibigan nong college.   " Kamusta na Pre?  Kamusta buhay sa Germany? Bungad agad na tanong ni Adrian sa akin.   Naupo muna ako sa bakanteng upuan katabi ni Marvi.   " Sobrang busy daming trabaho... Andami kasing hahabulin na mga deadline hanggang matapos ang construction ng bagong branch dito.."    " Baka tatanda ka nang binata niyan Luk.." Si Marvi   " Sobra ka nman Marvj eh ano akala mo satin matanda na?" Napatawa kami sa sinabi ni Paul.. Andami naming napag usapan bago kami nagpasyang maghiwalay na..May mga kanya kanya din kasi silang trabaho at kumpanyang inaasikaso..Dahil sa maaga pa ay nagpasya muna akong umikot ikot... Pumasok ako sa isang men s boutique.. Naghanap ako ng shave at cream.. Medyu mahaba na kasi ang bigote ko..Ayaw ko kasing magpahaba ng bigote... Nagbayad na ako at nag ikot ikot pa uli.. Nagnanais ay makita ko uli si Natalia bago ako bumalik.. Naalala kong buntis pala siya.Baka pumunta ng infant section.. Tinungo ko ang elevator at pinindot ang 3rd floor kung saan ang maternity at infant section... Pumasok ako ng elevator at nagbabasakaling makita ko siya... Hindi ako mapakali habang nasa loob ng elevator... Tumunog na hudyat na nasa tamang floor na ako.. Pagkabukas ng pinto ng elevator ay nilinga linga ko ang aking paningin.. Naglakad lakad ako at patingin tingin sa mga nadadaanan. Papalapit na ako sa infant section.. May napansin akong babae..Si Natalia.. Nagtago ako para hindi ako makita.. Pinagmasdan ko lamang siya habang pumipili.. Seguro ay lalaki ang anak niya dahil kulay blue ang napipili niyang kulay...mula sa medyas,gloves at damit ng baby.. Nagtago ako ng biglang lumapit ang lalaking kasama niya kanina... Siya ang lalaking kasama niya noong graduation niya noon.. Seguro ito ang  nobyo niya noon.. Wla naman akong alam Kay Natalia noon maliban siya yung scholar ni daddy.. Hindi ko kilala ang pamilya niya maliban noong graduation niya noong iniabot kp ang regalo ko sa kanya..Mga kaibigan niya lang ang lagi kong nakikitang kasama niya.     Sumilip ako uli sa kanila.. Nakatalikod na sila patungo ng cashier.. Hindi ko ma expalin ang feelings ko habang nakikita ko silang magkasama... Nasasaktan ako.. Kaya tumalikod na ako at umalis.. Hindi ko na kayang makita silang magkasama..       Natalias Pov       " Andamj naman ng nabili natin Kuya..!" Pumili din kasi si Kuya ng mga gamit ng baby habang pumipili ako nga mga damit para kay baby Lukas...       " Mabuti na yung kumpleto na lahat para wala ka nang iisipin'"  may iniabot si Kuya na card.   " Ito na ang gamitin mo Nat" saka niya inilagay sa kamay ko ang isang card   " Ok kuya." Pumila na ako para makabayad. Pagkatapos kong makapagbayad ay binitbit ni Kuya ang mga pinamili namin.   " Gusto mo bang kumain na muna bago umuwi? Mag aalas dose na  seguro ay gutom kana"   " Okey sige kuya.."   "Ikaw na ang umorder ihahatid ko lang ang mga pinamili natin sa kotse."     Tumango ako sa kanya at ngumiti. Saka inabutan niya ako ng isang libong piso. Pumila na ako SA LOOB ng jolibee. Madami dami nadin ang mga taong naandun na kumakain.. Habang nasa pila ay luminga linga ako para maghanap ng maupuan namin ni Kuya... Wala akong makitang bakanteng upuan at mesa kaya nagpasya na lng ako na magtake out nalang..Tinawagan ko si Kuya na wag nang bumalik at hintayin nalang ako sa kotse dahil wala namang bakanteng mesa para sa amin at sa bahay nalang namin kakainin ang inorder.       Nakauwi kami ni Kuya almost 1pm na..Inayos ko na ang inorder ko Kanina para makakain na kami ni Kuya..  Habang Kumakain ay tumunog ang phone ni Kuya Mat. Agad naman niyang sinagot ang tawag. Tumayo ito at pumunta sa may punto saka duon nakipag usap sa phone. Ilang sandali pa ay bumalik ito.   " Aalis muna ako Nat.. Tumawag si boss kailangan ko munang puntahan ang construction site sa Batangas.. Nagkaproblema daw kasi.." Paliwanag ni Kuya.  Pag pumupunta ng Batangas si Kuya ay dalawang araw siyang naglalagi duon bago umuwi..Kaya naiiwan akong mag jsa sa condo niya.. Mula ng ma close deal ni Kuya ang isang malaking transaction ay binigyan siya nito ng bonus ng boss niya at tinaasan ang sweldo.. Lumipat na kami ng condo para malapit sa trabaho niya.. Dahil para malapit lang niya akong mapuntahan kung kailangan ko siya... Naging maginhawa ang buhay namin ng makapasok si Kuya sa Kumpanya ng boss niya.. Halos linggo linggo din itong nagpapadala ng pera kay mama.. Ganun din si Kuya Cain.. Buwan buwan ay nagpapadal din siya kay mama dahil pinaggawa ni Kuya Mat at Kuya Cain ang bahay namin sa probinsiya.    Pagkaalis ni Kuya ay sinabihan niya ako na maglock at wag papasok ng kahit sino.. Hindi ko naman kailangan na lumabas dahil kaka grocery lang namin noong nakaraang araw.    Pumasok na ako ng kwarto at inayos ang mga pinamili namin.. Hinawakan ko ang isang pares na booty na kulay asul.. Dinala ko sa may ilong ko at inamoy amoy.. Excited ako na makita ang baby ko.. Napahawak ako sa tiyan ko.. Napaisip na sana si Lukas na lang ang ama ni Baby Lukas.. Pero wala naman akong pinagsisihan ng magdesisyon ako na ituloy ang pagbubuntia ko.. Hes a blessing.. Hinding hindi ko siya sisihin sa nangyari sa akin.. Mamahalin ko siya at aalagaan..          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD