NATALIAs POV
"Saan ka galing kuya bat ngayon ka lang?" Katatapos lang ng huling praktis namin para sa graduatiom rites namin dalawang araw mula ngayon. Maaga kaming natapos. Alasingko na ng hapon wala pa si Kuya Cain. Dapat ganung oras nandyan na sya sa may gate naghihintay na sa paglabas ko..Nauna na ring nauwi si Raine dahil may pupuntahan daw sila ni Neil. 5:30 na ng dumating si Kuya Cain.
"May dinaanan lang muna ako...kaya ngayun lang din ako nakarating.. Kanina pa ba kayo nakatapos?"
"Maaga kami natapos kuya..nauna na rin si Rainr umalis may pupuntahan sila ni Neil."
Umalis na kami ni Kuya tama naman may jeep na dumaan kaya nakasakay kami kaagad. Pagdating namin sa bahay nakita ko na anjan na rin pala si Kuya Mat. Nilapag ko kaagad ang dala ko sa upuan sa sala at bumaling kay KuyA Mat.
"Ang aga mo ata ngayon Kuya?" Tanong kp sa kanya
" Hindi naman ako pumasok kanina may kailangan kasi akong asikasuhin.." Nakaupo si Kuya sa upuan malapit sa pintuan...".....kaya hindi na ako pumasok" " Pero bat ang aga mo kanina umalis? Tulog pa nga kami kanina ng umalis ka diba" tanong ko sa kanya..naupo ako katabi niya.
" Pinatawag ako ng inaplayan ko..kaya lumuwas ako ng Maynila..Natanggap na ako..!masayang balita ni Kuya Mat.
"Talaga Kuys?" Si kuya Cain, kalalbas lng nito ng kwarto at nakabihis na
"Ako din may good news.."lumapit sa amin si Kuya Cain. "....nakapasa ako sa board exam..certified engineer na ang kapatid niyo..:pagmamalaki nito.
"Wow kuya Congrats"..sabay yakap ko kay Kuya Cain.."kaya pala nahuli ka kanina sa pagsundo sa akin eh.
"Pumunta kasi ako kina Patrick napagkasunduab kasi naming sabay naming abangan anh resulta ng board exam..nakapasa din sya""..pagpapaliwabag ni Kuya Cain.
"MATUTuwa si mama nito mamaya." Sabi ni Kuya Mat."...sa linggo na ang balik ko sa Maynila kasi monday start na ng trabaho ko.
Nalungkot ako sa sinabi ni Kuya Mat. SA sabado na kasi ang graduation ko tapos alis naman siya agad the next day..
"Agad- agad talaga Kuya?" Inis kung sabi sa kanya. Hinarap ko sya inirapan ng tingin. INAKBayan niya ako saka nagwika.."Kelangan...may project kasi na gagawin at ako ang mamahala. Kaya kailangan kung lumuwas sa linggo para maayos ko din ang tutuluyan ko." Pagkasabi at niyakap agad ako ng mahigpit. KAya nakiyakap na din si Kuya Cain.
GRADUATION DAY...
"NAT halika na..!" Tinatawag na ako ni mama. KANINA pa kasi ako nakaharap ng salamin at hindi ako mapakali.. Lakas kasi ng t***k ng puso ko.."andiyan na...sandali na lang!"
"Nat kanina ka pa nakaharap sa salamin..mababasag na yan.." panunukso ni Kuya Cain.
Nasa labas na silang tatlo habang ako ay nakaharap pa din sa salamin..Lumabas na din ako kasi ayaw kp din namang ma late sa.graduation namin.
Pagdating sa SMU bumaba na kami ng jeep sa may gilid ng gate...Nang biglang may dumaan na sasakyan sa harapan ko.. Ako kasi ang unang nakababa. At inaalalayan pa ni Kuya MaT si mama pra makababa ng jeep..Wala sa sarili kong nilingon amg sasakyanh dumaan..Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nakasakay sa loob nito. NAkababa kasi ng bahagya amg tinted door nito sa harapan.. " Si ate Cath?"..sabi ko sa sarili ko... At nakita ko din kung sino ang nagmamaneho ng sasakyan kaya kumabog agad ang dibdib ko. Napalingon ako kina mama na nagsalita na ito na pumasok na kami..kaya tumalima naman ako..Pagkapasok ko ng gate bumungad agad sa akin si Raine..As usual palagi namang maaga ito..Hindi pa ito na late pumasok ng school liban na lang kung natagalan sya sa paghihintay sa akin.Niyakap niya ako kaagaf pagkalapit ko sa kanya.
" Ang ganda mo gurl"!.bungad agad ni Raine sa akin. Nakatoga na ito na itim..At ang ganda ng panloob nito na damit. Isang glittered black na above the knee dress.. Nakasuot na din ako ng toga namin..Naka white sleeveless blouse ako at red na mini skirt.
"Kaw nga din ang ganda ganda mo..bagay sayo damit mo".. ngumiti agaf ito sa.akin. At binalingan din niya sina mama at mga kuya.
"Hello po tita...Kuya Mat..Kmusta?"..ngumiti ito kay mama at tumango kay Kuya Mat. At tiningnan din si Kuya Cain.. "..ang guwapo natin ngayon Kuya Cain ah...!".sabay hampas nito sa balikat ni Kuya Cain..Close din naman kasi silang dalawa.. Magkasabay kasi kami minsan umuuwi basta wala siyang pinupuntahan..."Hindi naman." Sagot agad ni Kuya Cain.
Pumasok na kami sa loob ng gym kung saan gaganappin ang graduation namin. Nasa ibabaw na ng stage si Prof Darwin hudyat na para magsimula ang programa..Sinamahan ako ni Mama magmartsa habang papasok mula pintuan ng gym hanggang sa upuan ko. SObrang ngiti naman ni Kuya Cain habang kinukunan kami nh litrato ni mama habang naglalakad.
Nakatayo pa din kami pagkatapos ng opening prayer at pambansang awit....at nagsalita uli si Prof Darwin hawak niya amg itim na microphone..
"Before we start let us all call our guest for tonight..." Lahat ay tahimik habang nahsasalita si Prof Darwin sa ibabaw ng stage......"...Let us all.give a round of applause to our New CEO of St marys University...Miss Cathalea Via Suarez.." lahat nagpalakpakan..ako biglang naplingon sa kinaroroonan nina Kuya Mat At Kuya Cain..Nakita ko ang naging reaksyon ni Kuya Mat.. Nabigla ito na may kasamang pagtataka sa mukha niya.
Kumaway ng kamay si ate Cath at tinungo nito ang upuang inilaan para sa kanya...Nagpatuloy si Prof Darwin sa pagsasalita.
".. Mr. Villagracia!..." nagpalakpakan naman ang lahat. ". lastly as we all know Mr Dominguez cant join us here right now because of his condition he sent instead on his behalf is his son LUCAS DoMinguez..."pagpatuloy ni Prof Darwin..
PARA akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang pangalan niya..Talagang hindi ako nagkamali sa nakita ko kanina.. Sya ang nagmamaneho ng sasakyan kanina kasama si Ate Cath...Pumalakpak din ako..nakatingin ako sa kanya habang naglalakad ito patungo sa upuan sa tani ni Ate Cath.. At ang laki na ng pinagbago niya..Mamang mama na kasi ito..At lumaki nadin ang katawan paniguradong magdyi gym ito... Kagalang galang ito sa suot niyang three piece suit at green stripe na tie.. Nakatingin lang ako sa kanya.. Hindi kasi pansinin kung saan kmi nakaupo ni Raine...Nasa gilid lang kami nakapwesto.Minsan seryuso lang ito nakatingin sa mga tao sa harap niya..pminsan minsan nag uusap sila ni Ate Cath...Si ATe Cath...naalala ko na naman si Kuya Mat..kaya nilingon ko nanaman siya kung saan sila nakapwesto..Laking dismaya ko ng wala na doon si Kuya Mat...Sina mamamat kuya Cain langbamg naroon. Napayuko ako at nalungkot..Hindi ko kasi alam ang dahilan bakit naghiwalay sila ni Ate Cath. NASabi niya lang kasi ni Kuya Mat na hiwalay na sila ni ate Cath. Sobrang lungkot non ni Kuya Mat. Lagi na itong seryuso at ni minsan mula noon hindi ko na narinig sa kanya ang tungkol sa kanila ni Ate Cath.
" Natalia Rodriguez..suma .cum laude..!" Narinig kong tinawag ang pangalan ko..Bigla naman akong nasiko ni Raine dahil hindi pa din ako gumagalaw para umakyat ng stage.. "Nat akyat na.." hinawakan ako ni Raine sa kamay.." congrats gurl!"..yumakap si Raine sakin at naglakad na akong papuntang stage...Nauna na sa akin si Mama sa stage.Hawak na niya ang medalya na isusuot niya sa leeg ko. Pagkahakbang ko sa hagdan napatingin ako sa kinaroronan ni Lucas..May limang baitang pa kasi bago ka makaakyat ng entablado...Nakatingin din ito sa direksyun ko..Kaya napayuko ako bigla. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko... It is the first time that our eyes meet kaya sobrang tumalbog talaga ang dibdib ko sa kaba.
Nat inhale exhale....!" Sa isip ko.Nilapitan ko na si mama.Tumabi ako sa kanya..At isinuot naman niya agad ang medalya sa leeg ko.. Nagpalakpakan ang mga tao sa harapan namin. Andun din si Kuya Cain at kinukuhaan kami ng litrato ni mama. Andun na din si kuya Mat sa di kalayuan..NAkangiti naman ito...Nang akma na akong hahakbang para pababa na sana ay biglang nasa harap ko na pala si.Lucas na nakalahad ang mga kamay para batiin ako...Una nang nakipagkamay si mama kay Ate Cath at Lucas. .Parang nanginig ang mga kamay ko...Feeling ko tuloy pinagpapawisan ang kamay ko..Kaya bago ku sya kinamayan pasimple ku munang pinadaan amg kamay ko sa suot ko na toga..Kakahiya naman kasing makipagkamay na baka basa ang kamay ko...Pagkahawak ko sa kamay niya..ang lambot nito..bigla kong natamdaman na humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nagsalita..
"Congrats Miss Natalia!:sabi ni Lucas. NGITI lamg ang itinugon ko sa kanya..Im hesitate to speak baka kasi mautal ako..Halo halung kaba at tuwa kasi amg naratamdaman ko.
Mhigpit pa din ang pagkakahawak niya sa kamay ko..ayaw atang bitiwan..Natuwa ako sa ginawa niya kasi for the first time nahawakan ko ang kamay niya...pero may halong pagtataka..Mga ilang segundo din kaming magkahawak ng kamay ng bigla kong maramdaman na parang may malakas na boltahe na dumaloy sa kaugat ugatan ng mga kamay ko kaya kinalas ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Lucas..Diretso ko nang nilapitan si Ate Cath..Niyakap niya ako at nagsalita.." Conrgrats Nat..!" Hinigpitan niya ang pagkayakap sakin at dali dali naman niya niluwagan..Nagpasalamat ako sa kanya at dali dali na ring humakbang papalayo habang hawak ko amg kamay ni mama.
Natapos ang tagpong iyon pero hindi ku mapigilang makilig kahit sandamukal na mga daga ang nasa dibdib ko na halos wala pa ring awat sa katatakbo..halu halong imusyon ang nararamdaman ko..Sobrang natuwa naman si Raine sa tagpung nasaksihan niya. Dahil alam niyang kung gaano kalaki ang paghanga ko kay Lucas Dominguez..