Kanina pa pinagmamasdan ni Oly si Kade. Mula sa pag-alis nila sa hospital hanggang sa makauwi sila ng bahay. Kanina pa siya nag-aalala rito na para bang nakikita niyang hindi mapalagay si Kade mula nang manggaling sila sa hospital. Hindi niya alam kung bakit, basta paggising niya, hindi na maganda ang itsura ni Kade. Panay ang tingin nito sa kanya at madalas humahawak sa sintido na para bang may malaking prinoproblema. "Kade, ayos ka lang ba? Kanina ka pa maputla. Mabuti pa, ikaw na ang mauna sa pagtulog. Ako munang magbabantay kay Sophie. Sige na, love. Humiga ka na." "No, I'm fine. Ikaw na ang maunang matulog." "Nakatulog naman ako kagabi kaya ikaw na ang mauna," pamimilit ni Oly kay Kade. Hindi niya napasunod si Kade kaya naman hinayaan niya na lang ito na magbantay kay Sophie. Nal

