"Natatakot ako para sa'yo, love. Hindi mo alam kung anong hirap ang naranasan natin dati," kibo ko sabay tingin sa kanya na nagda-drive na ngayon. Nakakainis, ayaw niyang pansinin ang lahat ng sinasabi ko. Para bang naririnig niya ko pero lumalabas din 'yon sa kabila niyang tainga. "Kapag may nangyari ulit sa'yo. Paano na kami ni Sophie? Alam mong kapag nangyari 'yon wala ng magtatanggol ulit sa amin." Pakokonsensya ko sa kanya pero hindi pa rin tumalab 'yon. Pagkadating ng bahay ay gano'n pa rin siya, walang kibo. Kinuha niya lang sa akin si Sophie at inalalayan ako sa pagbaba. Pagkatapos ay tinabihan niya na ang anak namin sa higaan. Napabuntong hininga na lang ako habang tinititigan siya. Alam kong hindi pa siya tulog. Sadyang ayaw niya lang makipag-usap kaya nakapikit siya ngayon

