"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Pumunta ko dito para kausapin ka tungkol sa gusto ng asawa ko. Gusto niyang makasama si Sophie." Napakunot ako ng nuo, hindi ko maitaas ang tingin sa kanya dahil mukhang nabingi yata ako. Anong sabi niya? Dahan-dahan kong binaba ang isang tasa ng kape sa harapan niya. Para kong natigilan. Naumpog din yata ang mga ulo nila. Pagkatapos ng sinabi nila dating ipalaglag ko si Sophie tapos ngayon gusto nilang makasama ang anak ko? Mapait akong napangiti habang tumatayo nang maayos. Tinignan ko siya na ngayon ay humihigop na sa tasa. Dapat pala ay mas pinainit ko pa 'yon at ginawang itim na itim katulad ng budhi nila. "Nagkausap na po kami ni Kade." "At gusto kong baguhin mo ang desisyon mo. Alam kong ikaw ang may ayaw." Binalikan niya rin ako ng tingin kas

