Napapadalas ang pagtanggap niya ng death threat. Batid niya kung sino ang may pakana nun. Mr. Lucas. Hindi siya nito matatakot sa pagbabanta nito. He's a wolf, triple -triple ang lakas at kakayahan niya kumpara sa pobre matandang iyun. Tao lang ito. Madali lang sa kanya na saktan ito kung kinakailangan. Hindi na niya pinaalam iyun kay Aj. Ayaw na niya mag-aalala pa ito. Balewala lang sa kanya yun pero kung malalaman iyun ng kasintahan baka mastress lang ito at mag-aalala pa sa kanya. Patuloy pa rin ang pananakot ni Mr.Lucas pero hinayaan lang niya ito hindi siya natatakot rito. Naging abala siya ng mga sumunod na araw dahil magkakaroon na muli ng competition tuwing katapusan ng buwan sa JJ's Racing club. Kasabay pa nun ang anniversary kaya mas doble ang kaganapan magkakaroon ka

