Hindi niya nagawa matulog. Nakasiksik siya sa pinakadulo ng headboard ng kama. Gusto niya masiguro na ligtas siya kung mananatili siya gising at alerto. At sobrang nag-aalala siya para sa kasintahan, hindi na niya alam kung ano na ang gagawin niya. Wala siya maisip na paraan. Lalo pa at walang paraan para makatakas siya dahil secured ang silid. Nayakap niya ang sarili. Jamere..I miss you . Pilit niya pinaiiral ang katapangan. She's not weak. Alam niyang hindi siya pababayaan ng kasintahan. Ililigtas siya nito at magkakasama muli. Pagkatapos ng lahat na ito. Sasabihin na niya na gusto niya makita ang mundo na pinanggalingan nito. Sigurado doon walang ganito eksena. Gustong-gusto na niya makita ang nobyo. "Find her,ako na ang bahala sa matandang yun," tiim-bagang saad ni Zei. Agad

