EIGHTEEN

566 Words

ILang araw na siya hindi pumasok sa trabaho. Nag-aalala na rin sa kanya ang pamilya ni Mang Rene. Tahimik lang siya at malalim lagi ang iniisip. Marahil nga nasa stages of shock pa siya. She sighed. Masyado siya naaapektuhan sa nalaman niyang tunay na pagkatao ni Jamere Justo. Ilang katok ang pumukaw sa kanya. "Aj.."ang asawa ni Mang Rene. " Aling Tina.." "May bisita naghahanap sayo.." anito. Sino? Bigla siya kinutuban na baka ang binata yun. Hindi. Haharapin niya ito. Ayaw niya isipin nito na dinadamdam niya ang nangyari noong huli sila nagkausap. Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib at nilabas ang bisita niya. May halong excitement siya nararamdaman pero agad din niya iwinaksi yun. Nangunot ang noo niya. Nakatalikod ito sa kanya. Abala ito sa pagtingin-tingin sa mga litrato.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD