Naisipan niya na puntahan sa opisina ang binata. Wala na rin naman siya ginagawa dahil mula ng magkamabutihan sila ng binata hindi na siya hinayaan ng magtrabaho pa ng matagal. Naipilit lang niya ito sa kondisyon na hindi siya magtatrabaho sa maghapon. Ganun siya itrato ng binata. Lagi siya nito pinagbibigyan sa lahat ng gusto niya kahit na labag sa kalooban nito. Minsan naiirita siya rito masyado ito possessive sa kanya. Pero pinakanagustuhan niya na tinatrato siya nito prinsesa. She smiled. Kakatukin na sana siya ng maulinigan niya may kausap sa loob ang binata. Pamilyar ang boses iyun. It's Zei. Kakatok ulit sana siya ng matigilan sa sinabi ni Zei. "Hindi niyo pa ba napag-uusapan ang tungkol sa pagbabalik mo sa mundong-Colai? Na kasama siya?" saad nito. Nanatili siya tahimik at

