"Aj,di ka pa uwi?" si Mang Rene. "Mauna na po kayo,Mang Rene..tapusin ko lang po ito" sagot niya habang tinutunilyuhan ang isang bahagi ng kotse. "Sige,hija..mauna na ko,samahan ko pa mamalengke si Misis..alam mo naman yun gusto lagi may alalay." Natawa siya sa sinabi nito. "Sige ho..ingat po kayo," aniya. "Aj!" si Aries "Oh Aries," aniya. "Una na ko ah.." anito. "Sige,ingat.." Nalaman niya na kinausap pala ito ng Sir Jamere nila kaya bigla naging iwas ito sa kanya. Marahas siya napabuga ng hangin. Napahinto siya sa ginagawa nang makarinig siya ng pamilyar na ingay na palagi gumigising sa kanya. Pinakinggan niya ng maigi kung saan iyun nanggagaling. Malapit lang yun sa kinaroroonan niya. May kaba sa dibdib na sinundan niya ang pinagmulan ng alulong iyun. May alaga bang hayo

