"Pangako, bibigyan kita ng magandang buhay, ibibili ng kotse para kapag aalis ka papasok sa trabaho mo, hindi mo na kailangan mag commute. Ibibigay ko sayo ang buhay na gusto mo, pangako." Ilan pa lamang yan sa mga pangarap sa akin ng aking boyfriend na si ali, my future engineer Alexander leigh Simon.
I'm nabi, a breadwinner of our family. 18 pa lang ako since nag start akong mag trabaho pang tustos ng pangangailangan ng pamilya ko. My father is the first man who broke my heart, my trust, my life, my dreams. Simula nang magkaroon siya ng pamilya sa ibang bansa, kinalimutan niya nang may pamilya pang naghihintay sa kaniya dito sa pilipinas. He's the reason kung bakit nawalan ako ng ganang mangrap sa buhay, siya ang dahilan kung bakit nawalan ako ng lakas ng loob ipag patuloy ang pinapangarap kong maging isang ganap na doctor.
He made me realize na hindi siya karapat dapat maging ama sa amin. So, para maahon sa kahirapan ang aking pamilya at mapag aral ang aking mga kapatid. I started working at my boyfriend's company. Isa akong event organizer, mapa wedding, debut, graduation parties, etc. lahat ng sine celebrate. Sila ang tumulong sa akin upang matulungan ko ang aking pamilya. Si mama, mahina na ang katawan since na hit and run siya, luckily hindi siya tinakbuhan ng driver at laking pasasalamat ko sa itaas ng bubay parin siyang naiuwi sa amin.
"Love, tulala kana naman, ano bang iniisip mo?" Pag kuha ng atensyon ko sa sinabi ng aking boyfriend.
Paano kaya ako kung wala ang boyfriend ko. Siya lang ang bukod tanging nakakaintindi sa akin, sa ugaling mayroon ako, sa sitwasyon ng aking pamilya at nang buhay ko.
He's from the wealthy family. His grandparents was born in Italy, gayun din ang mga magulang niya. Habang kami, laki sa pangangalaga ng aming nanay na iniwan ng asawa para sa ibang babae.
We're college lovers. Third year high school pa lamang kami nang ligawan ako ni ali. Hindi madaling magkaroon ng boyfriend na heart rob ng pinapasukan naming unibersidad at isa rin itong varsity player, a captain ball. Habang ako, isang iskolar lamang ng Simon family. My boyfriend's family. Napaka daming hadlang sa aming dalawa ni ali, at lalong mas marami ang usap usapan na kesyo pera lang daw ang habol ko dito at kumakapit lang daw ako sa kaniya upang makapag aral sa napaka ganda at sikat na unibersidad.
Lumipas ang Ilan pang mga taon at dumating na ang pinaka hinihintay ko, ang makapag tapos. Graduate ako sa kursong HRS habang si ali naman ay sa kursong engineering. Simula noong maka graduate ako ay agad din akong nag trabaho sa kumpanya ng aking boyfriend habang siya naman ay patuloy na inaabot ang pangarap na maging isang ganap na engineer dito sa ating bansa. Laking pasasalamat ko pa dito dahil sa kabila ng paghahangad niyang maabot ang kaniyang mga pangarap ay hindi ako nito iniwan at tinalikuran. Kasama ako sa lahat ng pangarap at mga hangarin niya sa buhay.
"Love, bakit ako ang napili mong pangakuan ng napaka daming pangarap?" Wala sa sariling tanong ko kay ali.
"Bakit love, nagdududa kabang hindi ko matupad sa iyo lahat ng mga pangako ko, dahil sa sobrang dami ng babaeng naghahabol sa akin at ikaw ang napili kong pangakuan?" Biro nito sa akin.
"Kapal mo." Komento ko atsaka ko hinawakan ang kaniyang kamay. "Love, salamat sa tulong niyo sa akin" Pagtanaw ko ng utang na loob dito at sa kaniyang pamilya.
"Ano bang nakain mo at ang weird mo ngayon?" Nagtatakang tanong nito sa akin.
Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Ang random ng nararamdaman ko. To the point na gustong gusto kong lumuhod sa harapan nito para lamang makapag pasalamat, naibigay ko ang pangangailangan ng aking mga kapatid at pang gamot ni mama sa araw araw dahil sa kanila.
Hindi ko malaman kung paano ko nga ba sila mapapasalamatan ng maayos.
"Love, manatili ka lang sa tabi ko ayos na ayos na ako. Hindi mo kailanman kailangan bumawi, girlfriend kita at prayoridad kong tulungan ka, kayo ng mama at mga kapatid mo."
"Ayun na nga e, boyfriend kita, hindi tatay. Halos ikaw na ang bumubuhay sa akin at sa pamilya ko."
Halos lahat na yata ng pangangailangan namin sa bahay ay sa kaniya nanggagaling, ultimo groceries pang stock sa bahay namin ay siya na rin ang gumagawa. Napaka buting tao ni ali, no wonder kung bakit ang daming babae ang nahuhumaling sa kaniya.
"Choice ko 'to, walang makakapigil sa aking tulungan kayo. So let me, will you?" Sasagot pa sana ako nang biglang siilin nito ng halik ang labi ko. Napaka lambot, sa tuwing magdidikit ang aming mga labi ay pakiramdam ko, hindi ako nag iisa. He made me realize na handa siyang samahan ako sa laban ng buhay.
Hindi ako mabuting anak, hindi rin mabuting nakatatandang kapatid at mas lalong hindi rin mabuting kasintahan kay ali. Nakakagawa ako ng pagkakamali dito at dahil doon ay hindi ko maiwasang isipin na maghahanap pa ng mas better sa akin si ali.
We've been together for so long. At alam ko sa sarili kong sigurado na ako kay ali ganun din ito sa akin. Mahal namin ang isa't-isa at hindi namin papayagang may sino mang hahadlang sa aming dalawa.
Matapos ako nitong halikan ay niyakap ako nito nang mahigpit.
"Pangako, kapag engineer na ako, bibigyan kita ng magandang buhay lalo na nang bahay. Ako mismo ang magtatayo para sayo. Hindi mo na kailangan mag trabaho lalong hindi mo na rin kailangan mag hirap mapunan lang ang pangangailangan ng pamilya mo sa pang araw araw niyo." Bulong nito sa akin sabay yakap ng mahigpit sa aking bewang na siya namang nag pagaan ng aking kalooban.
Hindi ako mabuting tao pero binigyan ako ni lord ng ganitong boyfriend. Deserve ko ba talaga ang lahat ng mga ito?!
"Thank you, love." Bulong ko dito sabay yakap sa kaniya ng mahigpit.
Wala na akong masabi sa kabutihang meron ang taong mahal ko, sana walang mag bago, sana tayo hanggang dulo.