"Nandito lang ako. Susuportahan kita sa pangarap mo." F*ck! Bakit ko ba nasabi iyon? Ano, Lexi? Feeling jowa lang. Hindi pa nga kayo, e. O baka nga walang pag-asa na maging kayo. Pero noong mga oras na iyon ay hinawakan niya ako at binigyan na naman niya ako ng matamis na ngiti. Is that a sign na gusto niya rin ako? Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko. Ngayon lang nangyari sa akin ang ganitong bagay. Si Gino lang talaga ang nagbigay sa akin ng ganitong kalituhan. Hindi ko rin alam kung ano ang eksakto kong nararamdaman. "Bakla!" Nagulat ako nang biglang tapikin ni Ivana ang balikat ko. Kanina pa kasi kami nasa board room at hinihintay si Yumi para sa kanyang script. Kakahintay namin sa kanya, hindi ko

