"Salamat, Mami Lydia," turan ko. Ngayong panatag na ang kalooban ko, maaari na akong bumalik ng Manila para harapin ang problemang dapat kong harapin. Hindi ko rin naman gustong patagalin pa ang mga bagay na nagpapabigat sa dibdib ko. Lumapit siya sa akin na may ngiti sa labi. "Mag-iingat ka, anak." Noon ko lamang napagtanto na may magandang kinahinatnan ang pagpunta ko rito. Hindi lang masasayang alaala ang nagbalik sa aking isipan, maging ang kapanatagan sa aking puso ay nakuha ko rin. Nagpapasalamat ako sa mga taong nakilala ko rito, lalong-lalo na kay Mami Lydida. "Teka, paano ka nga pala makakaluwas? May sasakyan ka ga?" tanong niya. Dala ko ang bag na may lamang mga damit ko. Dumaa

