Agad kinuha ni Mel ang mga plastic na pinamili ni Irish at agad tumungo sa kusina, pumasok na rin si Irish at pagkasarado ng pintuan ay agad nyang sinundan si Mel na nilalabas sa lamesa ang mga pinamili nya para ilagay sa tamang paglalagyan na ngiting tinulungan nya. Habang nag-aayos ng kanyang pinamili ay sumagi sa isip ni Irish ang nangyari kanina lang, binalaan na sya ni Paxton sa pwedeng mangyari dahil may kinalaman sya sa binata. Maraming kalaban si Paxton na pwede syang gamitin laban sa binata tulad ng muntik ng mangyari kanina kung hindi lang sya niligtas ni Trace lalo ng lalaking may takip ang mukha na ang mga walang buhay nitong mga mata ang nakikita baka nakuha na sya ng mga kalaban ni Paxton Walang ideya si Irish kung bakit sya niligtas ng lalaking may walang buhay na mga mata

