"There will be one of your friend whose willing to catch the bullet just for you. A friend whose willing to exchange hiself just to saved you from death." Ms.R.A Chapter 31 -THIRD PERSON P.O.V- Mataman lang na nakatingin sina Maki at Hale kay Paxton na parang binuhasan ng tubig sa itsura nya. Para itong basang sisiw na naabutan ng ulan, alas onse ng makauwi ito at hindi nila inaasahan na uuwi itong basang-basa. Wala silang alam na kasama ni Paxton si Irish at hindi nya 'yun sasabihin dahil alam nyang tatanungin lang sya ng mga ito. "Saang dagat ka sumisid Ignacio at basang-basa ka? Hindi mo naman kami inabisuhan na magsu-swimming ka." ngising asar ni Hale na ikinasama ng tingin ni Paxton sa kanya. "Gusto mo lunurin kita Santileces? Tapos na ba ang pinagagawa ko sayo?" inis na tanong

