Ilang oras nun ng iwan sya ni Paxton ng bumalik ito sa kanila at may dala itong plastic na may lamang itim na jogger pants na agad na iniabot sa kanya at inutusan syang palitan ang suot nyang short kaya nag-iba na ang get up nya. Siguro nga magandang sign na pinahahalagahan na sya ni Paxton na nag-aalala na ito para sa kanya pero alam nya na hanggang doon lang muna ang kaya nitong ibigay dahil alam nyang hindi pa nito kayang bitawan si Erza. Umaasa sya na kahit kaunti lang ng pagmamahal nito kay Erza ay malipat sa kanya pero ayaw nyang madaliin ang binata. At tulad ng plano nya, liligawan nya ito hanggang sa mapa-ibig ito at maibigay na nito ng buo ang gusto nya. Pero ang biglang pagsabi nito sa kanya na huwag ng ituloy ang panlilogaw nya dahil ito na ang gagawa noon ay hindi nya lubusan

