"Love doesn't required anything, if you love each other and your destined to be with each other, no works of man even the works of destiny will set you apart." MS. RHEN.A Epilogue "May matatali na namang isa sa atin, grabe talaga si kupido iniisa-isa na talaga tayo. Matakot ka na Demon baka mabalitaan namin ikaw na ang sunod." Natigil si Demon sa pag-aayos ng tuxedo nya dahil sa sinabi ni Blue, nasa isang resort sila sa Batangas dahil doon napag-pasyahang ganapon ang kasal nina Paxton at Irish. Isang buwan na din ang lumipas matapos ang naganap na laban sa Underground Society, hindi pa sila nakakadalaw doon pero binalita sa kanila nina Ribal na malapit ng matapos ang pag-aayos sa mga nasira sa U.S dahil sa nangyaring laban. Matapos ang nangyari at ang pagpopropose ni Paxton ng kasal k

