"Happy ever after will always in the end of the story but it's not really the final chapter but a new chapter of a married life." - MS. RHEN.A Chapter 46 Hindi alam ni Paxton kung anong lugar ang kinalalagyan nya ngayon, ang natatandaan nya ay nasa Underground Society sya kasama ang mga kaibigan nya para iligtas ang mga babaeng mahal nila. Hindi nya alam kung paano sya napunta sa lugar na hindi sya pamilyar, puro puno ang nakikita nya at may malinis na batis di kalayuan sa kinatatayuan nya, higit sa lahat payapa at tahimik ang lugar kung nasaan sya ngayon. Humarap si Paxton sa may batis at pinagmasdan ang pagkinang ng tubig nito ng matigilan sya at mapalingon ng may kumapit sa braso nya na agad nyang ikinalingin dito. "Hello Tonton!" Natigilan at hindi makapaniwala sa gulat si Paxton h

